IPINAKILALA muna ni Kim Chiu ang sarili bago magpasalamat sa GMA bigwigs sa naganap na contract-signing ng ABS-CBN at GMA para sa pag-ere ng “It’s Showtime” sa GTV.
Todo ang pasasalamat ni Kim kina GMA Chairman and CEO Felipe Gozon, President and COO Gilberto Duavit Jr., Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, at Executive Vice President and Chief Finance Officer Felipe Yalong sa pagbibigay ng bagong tahanan sa “It’s Showtime”.
Tapos na kasi ang kontrata ng Kapamilya noontime show sa TV5 bukas, Hunyo 30 at hindi na nag-renew ang ABS-CBN dahil ang timeslot ay ookupahin ng original hosts ng “Eat Bulaga” na sina dating Sen. Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon o TVJ.
Kaagad na tumawag si Ginoong Carlo o CLK kay Atty. Annette kung posible bang ma-accomodate ang “It’s Showtime” at hindi naman nagdalawang-salita ang ABS-CBN executive at in-offer nga ang GTV channel.
Kahapon, Miyerkoles ay ginanap ang contract-signing sa pagitan ng GMA at ABS-CBN sa Seda Hotel Vertis North, Quezon City. Among the Kapamilya executives na naroon ay sina Chairman Mark Lopez, President at CEO Carlo Katigbak, at Chief Operating Officer for Broadcast, Ms Cory Vidanes.
Mapapanood na simula sa Sabado, Hulyo 1 ng tanghali ang “It’s Showtime” sa GTV channel ng GMA network.
Going back to Kim pagkatapos nina Anne Curtis, Ogie Alcasid at Jhong Hilario ay siya na ang tinawag ng hosts ng event na sina Iya Villana-Arellano at Robi Domingo.
Ani Kim, “Magandang hapon mga Kapuso, Kim Chiu po. Wala po akong background sa bilang pagiging GMA (artist). Una po sa lahat gusto ko pong magpasalamat sa lahat po ng bumubuo ng GTV sa GMA na pinatuloy n’yo po an gaming show na naghahatid ng saya sa madlang pipol.
Baka Bet Mo: Kim Chiu nag-iiyak, nagkulong sa CR nang tuksuhin ng mga kaklase sa school, anyare?
“Ang dami nang pinagdaanan ng Showtime ups and downs (dahil nawalan ng prangkisa) and minsan hindi nap o namin alam kung saan na talaga kami mapupunta at nagpapasalamat kami sa mga boss namin na patuloy na lumalaban para maghatid ng saya sa lahat ng mga tao (nanonood ng Showtime).
“Sobra lang akong nagpapasalamat, thank you, thank you for giving us a home, thank you for accepting this partnership (at) walang hanggang pasasalamat sa inyo for giving us this opportunity. Maraming-maraming salamat madlang Kapuso magkita-kita po tayo ngayong Sabado,” mensahe ng aktres.
Nagpasalamat naman si Anne Curtis sa GMA 7 pero hindi naman na siya bago sa network dahil dito siya nagsimula ng kanyang showbiz career noong 1997 at napanood siya sa seryeng “Ikaw Na Sana” (1997) kasama sina Bobby Andrews, Angelu de Leon, Gladys Reyes, Carmi Martin at Cherie Pie Picache.
Bagama’t supporting lang siya sa teen oriented show na “TGIS” (1998-2003) ay nakilala na rin siya dahil limang taon din itong umere hanggang sa nagkasunud-sunod na ang programa niya bago siya lumipat sa ABS-CBN noong 2004.
Sabi ni Anne, “Good afternoon everyone, of course in behalf of the It’s Showtime family I would like to say thank you very much. Mr. Yalong, Mr. Duavit, Ms Annette, and first Atty, Gozon for your kindness and welcoming It’s Showtime to GTV maraming-maraming salamat for giving us a venue to continue our journey in making the madlang pipol happy and keeping our noontime habit in their homes.
“Maraming-maraming salamat and you know on this day, I can say na G na G nap o talaga kaming lahat as we celebrate this remarkable day of becoming a Kapamilya and Kapuso, so, maraming-maraming salamat po sa inyo,” aniya pa.
Kapansin-pansin si Anne na naging emosyonal habang nagsasalita si Ginoong Carlo para ikuwento na nu’ng malamang ililipat ng timeslot ang “Showtime” sa TV5 para magbigay-daan sa TVJ at kaagad niyang tinawagan si Atty. Annette at kaagad silang tinanggap.
Ayon pa kay Anne nang makausap siya pagkatapos ng pirmahan ng kontrata, “Very happy and we’re excited, I think because it’s more I know our bosses and Showtime had gone through so much and I mean you know the story behind Showtime and you kinda wonder like what’s next for us and overnight we were able to find a new home, so, were so grateful for the kindness.”
Say naman ni Kim, “May panibagong aabangan (sa GTV) ang mga tao and kami rin as hosts, panibagong experience para sa amin na makita ang mga Kapuso. Sabi nga Ms. Annette, ‘oy magkikita na kayo ni Xian (Lim, na isa nang GMA artist).’ Dabi ko, ‘oo nga, puwede na, nandito na kami.’
Samantala, bukod sa mga nabanggit na hosts ay naroon din sina Tyang Amy Perez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ion Perez, MC Calaquian, Lassy Marquez, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez at Ryan Bang with “Showtime” director Jon Moll.
Related Chika:
Nang dahil sa TVJ…’It’s Showtime’ ng ABS-CBN goodbye na sa TV5, lilipat sa GTV