Ipinost ng dating beauty queen sa kanyang Instagram stories kung ano ang pet peeve niya base rin sa tanong ng mga followers niya sa Instagram.
Ang mga ayaw ni Pia, “People who are rude to waiters, security guards, people in the service industry. Yuck as in turn off talaga.”
Dugtong pa ng aktres, “And people who don’t say please and thank you! Like when the security opens the door for you ano ba namang mag thank you ka lang, or in a restaurant.
“Example… ‘one more’ (tapos ituturo lang). Dapat, ‘excuse me, we can get one bottle of water please?’ Just because somebody words to serve you food or drinks doesn’t mean you treat them like they’re your servants!” pahayag pa niya.
Baka Bet Mo: Netizens abangers na sa pagbubuntis ni Pia Wurtzbach; Jeremy Jauncey tinawag na ‘best decision’ ang pagpapakasal
Kaya kapag may nae-encounter daw siyang ganito ang ugali ay, “Catch people do it all the time and it makes me criiiinge. Kadire talaga yuck.”
Sabay sabing, “Gigil ako!”
Samantala, nabanggit ni Pia na tuwing weekends ang bonding moment nila ng asawang si Jeremy Jauncey as in walang excuses, no meetings or work at hindi raw makaangal ang mister niya dahil kasal na sila.
Kapag weekdays ay halos hindi sila mag-usap dahil pareho silang busy at aminado naman ang mag-asawa na workaholic talaga sila.
Related Chika:
Vice Ganda pumalag sa chikang nagka-issue sila ni Marian Rivera: Super yuck!