Barbie umalma sa chikang siya ang dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no?
PINABULAANAN ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial na siya ang dahilan sa naging hiwalayan nina Carlo Aquino at
Trina Candaza.
Sa kanyang latest YouTube vlog kung saan nagbasa siya ng mga mean comments sa kanya ng nga netizens habang kumakain siya ng mga paboritong seafoods.
Isa nga sa naging komento ay ang diumanomy siya raw ang dahilan kung bakit naghiwalay ang magkasintahang sina Carlo Aquino at social media personality na si Trina Candaza.
“Teh? Kailan ba sila naghiwalay? Kailan ba naghiwalay si Carlo tsaka si Trina? Last year pa. Tapos nagka-movie kami ni Carlo, this year lang. Ako na naman sinisisi n’yo?” mataas ang tonong saad ni Barbie.
Ang sinasabing movie ng aktres ay ang “I Love Lizzy”, ang pinakabagong proyektong pinagsamahan nila ng aktor na parte ng 30th anniversary ng Star Magic.
View this post on Instagram
Matatandaang noong May 2022 nang ibalita nina Carlo at Barbie sa kanilang social media accounts ang bagong pelikulang pagsasamahan nila.
Marahil ay kaya nadamay na naman ang pangalan ng dalaga sa nangyaring hiwalayan ng dalawa dahil may kumakalat na video kung saan makikitang sweet at nagtatawanan habang nag-uusap ang aktres kasama si Carlo na tila kuha sa labas ng airport.
Dagdag pa ni Barbie, “Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? Parang everytime na may nagbe-break, ako talaga pero wala namang proof na ako talaga ‘yun tsaka.
Pagdidiin pa niya, “Guys sinabi ko na ito sa last vlog ko. Hindi nga ako kabit. Okay? Hindi.”
Matatandaang kamakailan ay nag-trending rin ang pangalan ni Barbie matapos kumalat ang intrigang may “something” sa pagitan nila ni Daniel Padilla.
Ayon kasi sa mga chika ay nakita si Barbie sa bahay ni Karla Estrada dahil inalo siya ni Daniel matapos ang paghihiwalay nila ni Diego Loyzaga.
Aniya, hiyang-hiya raw siya kay Kathryn nang pumutok ang isyu kahit na wala naman itong katotohanan.
“Ngayon ko lang yata sinagot ‘to kasi nanahimik talaga ako, eh. Kasi nung time na ‘yun, ‘yung nangyari ‘yung tsismis na ‘yun, siyempre nahihiya ako unang una kay Kath. Kasi anong iisipin niya, ganito ganyan,” katwiran ni Barbie.
Dagdag pa niya, “Walang truth ‘yung rumors and nirerespeto ko kung ano ‘yung meron si Kath and DJ, and sa lahat naman ng couples nire-respect ko ‘yon.”
Related Chika:
Carlo sa posibleng pagbabalikan nila ni Trina: Kung anong ibigay ng universe, siyempre yun ang nakasulat sa palad natin!
Barbie posibleng balikan si Diego; may plano rin kayang sumabak sa politika?
Carlo Aquino hindi nawala ang pagmamahal kay Trina: Nanay siya ng anak ko
Barbie Imperial sa pagkaka-link noon kay JM de Guzman: Hindi kami fubu
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.