ANGEL napilitang sumakay ng MRT; mga magnanakaw na politiko sinermunan | Bandera

ANGEL napilitang sumakay ng MRT; mga magnanakaw na politiko sinermunan

Alex Brosas - October 18, 2013 - 03:00 AM


We like Angel Locsin’s transparency. Sa ilang mga artista kasi ay isa siya sa pinaka-transparent. Kitang-kita mo ang kanyang sincerity sa kanyang mga sinasabi.

And when she helps, kusang loob niya itong ibinibigay, walang halong kaplastikan, walang hidden agenda. Ang alam namin ay isa si Angel sa mga tumutulong ngayon sa mga napinsala ng lindol sa Bisaya.

Abala siya sa pagtulong, something which she does every time na maerong calamity na inaabot ang ating mga kababayan.
Just recently, nagpatutsada si Angel sa corrupt officials sa bansa through her Twitter account, “If only corrupt public officials would share even just 1/8 of their wealth to our kababayan who have suffered from disaster, poverty, & war..Millions of Filipinos won’t suffer anymore. #HelpCebuandBohol,” tweet niya.

Very well said. Sa panahon ngayon na nangangailangan ng malaking tulong ang mga kababayan nating sinalanta ng lindol ay meron kayang public officials ang maglaan ng kanilang pondo para sa mga biktima?

On a lighter note, Angel tweeted about her first time experience to ride an MRT, “Pwede na palang mag premiere night sa ayala station! Haha!?? #haggardoversoza,” came the caption of her photo habang pumipila siya sa Ayala station ng MRT the other day.

Simpleng-simple lang si Angel, something which endeared her to the riding public. Ang dami ngang nag-like sa photos niya, around 2,500. Puro positive comments din ang natanggap niya.

Still on Angel, pasok pa rin pala ang beauty niya sa Top 500 individual taxpayers ng bansa. Kahit walang TV show si Angel kundi Toda Max lang ay marami namang endorsements ang pumasok sa kanya kaya buhay na buhay pa rin ang career niya, ‘no!

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending