Alwyn Uytingco may bonggang regalo sa kaarawan ng bunso

Alwyn Uytingco naka-bonding ang mga anak, may bonggang regalo sa kaarawan ng bunso

Pauline del Rosario - June 26, 2023 - 02:42 PM

Alwyn Uytingco naka-bonding ang mga anak, may bonggang regalo sa kaarawan ng bunso

PHOTO: Instagram Stories/@alwynzky

IBINANDERA ng aktor na si Alwyn Uytingco ang masayang bonding moments ng mga anak nila ni Jennica Garcia na sina Mori at Alessi.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ipinakita ni Alwyn na nagdiwang silang mag-aama ng kaarawan ng bunsong si Alessi.

Mensahe pa niya, “Happy Birthday Alessi!”

Ani pa niya, “Wish ko sana matupad ang pangarap mong maging chef/ engineer/ mekaniko/ horse tamer/ mermaid/ mural artist/ astronaut/…Mahal ka ni Tatay!”

Baka Bet Mo: Jennica Garcia, Alwyn Uytingco bigong maayos ang relasyon: ‘Hindi na po talaga kami mag-asawa’

Kasunod niyan ay nagkaroon pa ng bonggang sorpresa si Alwyn para kay Alessi.

Makikita ang isang video sa isa pang IG Story na kung saan ay nakapikit ang dalawang tsikiting habang may “Power Mac Center” na paper bag sa kanilang harapan.

Nang makita ito ng dalawa ay ramdam na ramdam ang pagiging excited nilang magkapatid.

Caption ni Alwyn sa post, “Is it an iPad?”

Sey pa niya, “Sa pagkaka-english ni Alessi, parang nahiya akong magbigay ng sketchbook at Crayola 24 pcs.”

Kung maaalala, nitong nagdaang Pebrero lang nang kumpirmahin ni Jennica na tuluyan na silang naghiwalay ng mister na si Alwyn.

Matatandaan noong 2021 nang unang maghiwalay ang dalawa, ngunit sinubukan pa rin nila itong ayusin matapos ang ilang buwan.

“Hindi na po talaga kami mag-asawa [ni Alwyn]. And feeling ko na marami ang nagugulat pero matagal na po. Magda-dalawang taon na po [kaming magkahiwalay], sey ng aktres sa isang interview.

Taong 2014 nang ikinasal ang ex-couple at biniyayaan ng dalawang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Jennica Garcia hindi magbabago ang tingin sa pamilya ni Alwyn Uytingco kahit hiwalay na sila

Jennica umaming wasak ang puso; may open letter para sa 2 anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending