NANAWAGAN sa madlang pipol ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis na respetuhin ang bagong bihis na noontime show na “Eat Bulaga.”
Ayon sa Instagram post ni Manay Lolit, bagamat naging parte na sa buhay ng maraming pinoy ang OG hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) sa nasabing show ay hindi deserve ng mga bagong host ang mga natatanggap na pamba-bash.
Hindi naman, aniya, papalitan nina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, Alexa Miro, at Isko Moreno ang TVJ at sila ay nagtatrabaho lamang.
Baka Bet Mo: Tito Sotto nangakong itutuloy ang ‘Eat Bulaga’ online: Target po namin umabot ng 50 years!
“Institution na ang Tito, Vic and Joey. Kahit sino pa ilagay mo sa Eat Bulaga, iyon mukha ng TVJ ang makikita,” wika ng kolumnista sa IG.
Dagdag niya, “Walang kasalanan iyon mga tumanggap ng trabaho. Hindi porke nagtrabaho sila feeling TVJ na sila. Hindi ganuon.”
“Kailangan ang trabaho, tinanggap nila. Pero nanduon ang galang sa mga nauna sa kanila,” lahad pa niya.
Nabanggit pa ni Manay Lolit ang ilang hosts at ipinaliwanag na kaya tinanggap nito ang offer ng TAPE Inc. ay dahil kailangan nilang kumita para sa pangangailangan ng pamilya.
“Takot si Paolo Contis na tanggapin ito nuon una, pero kailangan niya ng income at tiyak ako na tatanggapin din iyon ng ibang aalukin. So bakit hindi puwede si Paolo Contis o si Buboy Villar o sinuman na nasa programa ngayon,” sey ng kolumnista.
Panawagan pa niya, “Sana maintindihan ng lahat na hindi nila pinapalitan ang mga nauna. Trabaho lang huwag maging nega sa gustong kumita ng ikinabubuhay nila.”
Chika pa niya, “Hindi ko maintindihan iyon bashing kay Paolo Contis na pati issue sa anak lumalabas. Kailangan bang ipaalam sa ibang tao ang ginagawa niya para sa sarili niyang anak. Dapat ba bawat plano niya sa mga anak alam ng lahat? Hindi naman siguro ibibigay ng iba kung ano ang kulang ni Paolo. Wala naman siguro mag-abono.”
“Kaya pabayaan lang siya kung ano mga gusto niya gawin. Dahil iyon responsibility na iyon kay Paolo Contis lang. Siya lang dapat managot. Wala tayong pakialam,” ani pa ni Lolit.
Kung maaalala noong June 5 lamang ay ipinakilala ang bagong set ng hosts ng nasabing show.
Noong May 31 naman nang pormal ng ipinabatid ng TVJ sa publiko na lilisanin na nito ang TAPE Inc., ang producer ng Eat Bulaga.
Kasunod niyan ay nag-resign na rin ang iba pang main hosts ng noontime show na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Ryan Agoncillo, Allan K at Ryzza Mae Dizon.
Bukod sa mga hosts ay marami na rin mula sa produksyon ang nag-alisan sa “Eat Bulaga” gaya ng mga writers, cameraman at mga empleyado sa sales.
Naging malungkot naman ang TAPE sa nangyari at sinabing nirerespeto nila ang naging desisyon ng mga host.
Kasabay niyan ay siniguro ng kumpanya na magbibigay pa rin sila ng “quality entertainment” sa publiko at sa mga taga-suporta ng naturang noontime show.
Related Chika: