Pauleen Luna ibinandera ang unang paglaban ni Tali sa gymnastics: She got 3 golds and 1 bronze medal!

Pauleen Luna ibinandera ang unang paglaban ni Tali sa gymnastics: She got 3 golds and 1 bronze medal!

PHOTO: Instagram/@pauleenlunasotto

SUPER proud ang celebrity mom na si Pauleen Luna sa latest achievement ng anak nila ni Vic Sotto na si Tali.

Sa Instagram, masayang ibinalita ng aktres na sumabak sa kauna-unahang gymnastics competition ang kanyang anak.

“So so proud of this little girl who joined her very first gymnastics competition today,” wika niya sa post.

Inamin ng aktres na wala silang masyadong inaasahan kay Tali dahil nag-uumpisa pa lang ito sa paggi-gymnast, pero ito raw ay ginulat sila.

Caption niya, “Of course we weren’t expecting too much since she has only started to learn gymnastics but we are happy that she did her best!”

“Happy to see her make new friends, enjoy and learn at the same time [holding back tears emoji],” sey pa niya.

Pagmamalaki pa ni Pauleen na bagamat first time sumalang sa kompetisyon si Tali ay nakapag-uwi ito ng apat na medalya.

“Today she got 3 Golds and 1 Bronze! [gold, bronze medal emojis] Woohoo! Way to go girl!!! Congratulations Tali! You made mom and dad so proud! [trophy emoji],” masayang ani ng aktres.

Baka Bet Mo: Pauleen, Bossing kinakarir ang paggawa ng 2nd baby: Gusto talaga naming magkaroon ng kapatid si Tali

Libo-libong netizens naman ang natuwa sa post ni Pauleen at marami sa kanila ang nagpaabot ng “congratulatory” message kay Tali.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Wow congratulations Tali, big girl kana and pumayat ka so pretty [red heart emoji].”

“[red heart emoji] Tali girl galing! Congratulation! [clapping hands emoji].”

“Yay! congrats to you Tali [red heart emojis].”

“Good job! Congratulations and keep it up Tali! [clapping hands, red heart emojis].”

Related Chika:

Pauleen feeling naka-graduate rin nang magtapos sa Nursery si Tali; binati ang lahat ng mga magulang at yaya

Read more...