Maine naloka sa naging experience nila ni Arjo nang manood sa concert ni Bruno Mars, 2 kanta na lang ang inabutan…anyare?

Maine naloka sa naging experience nila ni Arjo nang manood sa concert ni Bruno Mars, 2 kanta na lang ang inabutan...anyare?

Arjo Atayde at Maine Mendoza

DISMAYADO ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa nangyari sa kanila ni Cong. Arjo Atayde nang manood sa concert ni Bruno Mars kagabi, June 24, sa Philippine Arena sa Bulacan.

Hindi napigilan ng TV host-actress ang maglabas ng kanyang saloobin at disappointment sa hindi kagandang experience niya at ng fiancé niyang si Arjo sa pagpunta sa concert ni Bruno Mars.

Sa pamamagitan ng Twitter, ibinahagi ni Maine ang hirap na naranasan nila sa pagpasok at paglabas ng Philippine Arena na itinuturing ngayong pinakamalaking concert venue sa buong Pilipinas.

Ayon kay Maine, halos patapos na ang concert nang makapasok sila sa venue, buti na lang daw at naabutan pa nila ang huling dalawang production number ni Bruno Mars.


Sa kanyang tweet, nag-sorry pa si Maine sa lahat ng taong nanood sa “Tamang Panahon” event nila ni Alden Richards kasama ang buong Dabarkads na ginanap sa Philippine Arena.

Baka raw kasi ganu’n din ang naranasan ng mga nagtungo sa makasaysayang Kalyeserye ng “Eat Bulaga” kaya naman humingi na rin si Maine ng paumanhin.

“Went to see Bruno Mars in Philippine Arena and made it to the finale. Happy pa din kasi umabot sa last two songs.

“Napaka hassle lang talaga ng entry and exit! Has it always been like this? Kumusta ang previous concerts dito? And Tamang Panahon?! Shocks sorry kung ganito din ka-hassle,” bahagi ng tweet ni Maine.

Dagdag pa niya, “Happy na din ako to see this! Sending my best wishes to everyone attending next year! Pass na muna siguro ako. Arrive early then suffer after the show, ganun. Yikes.”

Maraming nagkomento sa mga ipinost ni Maine sa Twitter at halos lahat ay naka-relate sa naging karanasan nila ni Arjo.

Baka Bet Mo: Vice Ganda may shoutout sa mga nanonood ng spliced videos: Todo comment na parang knows na knows ang buong ganap

“In terms of organising the concert, the Philippines is one of the worst. Maybe that could be the reason why Taylor doesn’t have a concert there on her concert lists. I’m not a Taylor fan nor a hollyweird celebrities fan. Nagsasabi lang ako sa totoo.”


“Aww been there during last concert ng BP, 7pm ang start tapos 8am nasa parking na kami para pumunta ng PH Arena. Kailangan namin mag-adjust at maglakad kasi malayo talaga ang parkingan ng mga bus. 10pm nakasakay na kaming lahat, tapos 2am na kami naka labas sa mismong NLEX, kaya mas maganda na agahan talaga ang punta.”

“Boils down to the organizer. I’ve attended a number of live events myself and Livenation is by far the worst. Handful of awful staff, poor systems, lack of preparation. Doesnt help that PH Arena is such a bad venue lol.”

“Hassle talaga. Ito yung concert na 6pm ang start. Pero 6am ang call time. Last BeTheSun, 1st concert yun after pandemic.”

“That’s why po ang dapat na role model when it comes to concert attendance ay kpop stans dahil kahit gabi ang concert, 9am pa lang nasa venue na kami hahhaha.”

“I’m a kpop fan but some kpop fans need to touch some grass u guys need to realize that practices in the kpop world isnt universally applicable. to add to that some concertgoers have lives outside their own favs they dont have the luxury to just dedicate the whole day for concert.”

“This should not be normal. If gusto talaga mag camping, fine. Pero dapat hindi expected sa mga concert goers na mag camping sa umaga just to see a show at 7pm. Too inefficient.”

“Mga tito at titas na kasi ang fans ni Bruno Mars. May mga prior commitments na sa umaga at tanghali, Kaya ndi na kayang mag camping nang maaga.”

“Kinulang sila sa preparation mung bets bul 8pm ang concert pero 11am pa lang arrived na kami sa venue meaning 6am pa lang umalis na kami sa bahay as in all day ang preparation for concert haha.”

Read more...