Pauleen feeling naka-graduate rin nang magtapos sa Nursery si Tali; binati ang lahat ng mga magulang at yaya
LOOKING forward na rin ang TV host-actress na si Pauleen Luna sa araw na pwede nang mag-face-to-face classes ang anak nila ni Bossing Vic Sotto na si Tali.
Tuwang-tuwa si Poleng nang matapos na ni Tali ang Nursery at ang feeling daw niya makalipas ang 1 taon nang pag-alalay at pagtuturo sa anak ay parang siya raw ang nag-graduate.
Sa kanyang Instagram page, ibinandera ng misis ni Bossing ang kaligayahan nang magtapos na si Tali sa Nursery kalakip ang “graduation” photo nito.
“I can’t believe we survived 1 whole school year of online class! I cannot wait for the day when she’ll be able to bond with her classmates in person, but I am grateful for the time we spent (and fought-laugh emoji) during classtime!” ang caption ng aktres sa litrato ni Tali.
“Congratulations also to all mommies, daddies and yayas who patiently guided all their children this SY! Now let’s celebrate!” dagdag na mensahe ng aktres.
View this post on Instagram
“Ang ikinukuwento nga sa amin ng teacher, na challenge na siya to begin with even with the big school. Kasi bata ‘yan e, short yung attention span.
“Maraming challenges. What more ngayong online? Kasi, parang wala silang emotional cues na… sa personal mo lang mararamdaman yun, e.
“Tapos, parang hindi rin namin alam kung nagi-get ba nila yung connection talaga when screen lang ‘yung nakikita. Walang touch, walang talagang play. So, marami talagang challenges,” ang pahayag ni Pauleen sa panayam ng DZRH last Friday.
“Ang bata pa kasi nu’ng sa akin, at least du’n sa first semester, ang hirap siyang paupuin, at makinig. Maiksi yung attention span, especially, yun nga, screen lang siya, e.
“Hindi naman katulad ng in person. Tatayo, iikot, maglalaro. So, ang ginawa namin, unti-unti tinatanggalan namin ng laruan yung ‘classroom’ niya.
“Eventually, naintindihan naman niya na it’s school time, it’s 45 minutes a day. Naintindihan niya, and then she started to get engaged, interested. Tapos, unti-unti niyang nakilala ang classmates niya even online,” paliwanag pa ng celebrity mom.
Sey pa ng TV host, itinuturing din niyang big achievement as a mother ang pagtatapos ni Tali sa Nursery lalo pa’t meron pa ring pandemya.
“Alam n’yo po, milestone talaga ‘yan, especially during this time na hindi normal, e, na nasa bahay lang ang mga bata.
“So, parang hindi lang ang bata ang gumradweyt, parang ang magulang din, or the learning supervisors. Kasi, success na natapos din. Hindi kasi siya madali, e,” aniya pa.
Sa isa pa niyang IG post, sinabi ni Pauleen na ibang klaseng kaligayahan ang nararamdaman niya kapag si Tali na ang pinag-uusapan at ang anak daw talaga nila ni Vic ang nag-push sa kanya para ma-achieve ang “best version” ng sarili.
“Thank you for pushing me to be the best version of myself and for allowing me to live my dream which is to become a mom! You will ALWAYS be my best success that’s why I pray for you to have a kind, compassionate, loyal heart,” sabi ni Poleng.
https://bandera.inquirer.net/290516/pauleen-kay-tali-first-day-of-nursery-school-and-i-dont-know-how-to-feel
https://bandera.inquirer.net/301778/pauleen-may-tanging-dasal-para-kay-tali-pinuri-ang-pakikipag-usap-sa-security-guard
https://bandera.inquirer.net/292597/pauleen-nalulungkot-natatakot-sa-ilang-negatibong-epekto-ng-online-class-kay-tali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.