Nasunog na kotse sa EDSA-Boni MRT Station pag-aari ni Bryan Revilla, nag-sorry sa mga naabalang motorista
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Bryan Revilla at ang nasunog niyang kotse sa EDSA
PAG-AARI pala ni Agimat Partylist Rep. Bryan Revilla ang kotseng nasunog sa EDSA-Boni MRT Station, Mandaluyong City nitong Sabado ng hapon.
Base sa report ng “TV Patrol”, biglang nagliyab ang blue na kotse na base sa ipinakitang larawan ay isang vintage Toyota sports car na nagdulot ng bahagyang trapik.
Kaagad namang umalalay ang mga bumbero at mga tauhan ng MMDA kaya naapula naman ang apoy sa loob ng 10 minuto.
Iniimbestigahan ng Bureau of Fire kung ano ang sanhi ng sunog habang wala pang pahayag ang may-ari ng nasabing kotse.
Alas-siyete na ng gabi kagabi nang mag-post si Cong. Bryan sa kanyang Instagram account ng larawan ng sasakyang nasusunog sa EDSA at inaming sa kanya nga ito at siya mismo ang nagmamaneho.
Ang caption ay, “My vehicle caught on fire this morning while I was driving it along EDSA.
“Thankfully no one got hurt. I was able to get out relatively unscathed and was able to get to safety with the help of some strangers and traffic officials.
“I’d like to give my utmost thanks and praise to the Bureau of Fire Protection-Mandaluyong, the PNP, MMDA traffic enforcers and to the security guards of SM LIGHT MALL in Mandaluyong who came to my aide.
“They were all very swift and efficient. I salute these public servants who came to assist without hesitation. I will be working closely with them to determine what could have caused the fire,” sabi pa niya.
At dahil sa nangyari ay nagkaroon ng trapik sa lugar kaya humingi ng dispensa si Bryan tungkol dito at higit sa lahat, nagbigay din ng payo sa lahat ng motorist na parating i-check ang kanilang mga sasakyan.
“While this was a completely unforeseen incident, I am aware that it has caused inconveniences to my fellow road-users and for that I am sorry.
“As a long-time car and driving enthusiast, I am saddened by this event. Though I always take all necessary safeguards and precautions, accidents will still happen.
“This is a reminder to my fellow drivers and enthusiasts to regularly have cars checked for road-worthiness, be vigilant while driving and be responsible road-users,” pahayag ng kongresista.
Samantala, maraming taga-showbiz ang kaagad nagbigay ng suporta kay Bryan matapos ang pangyayari.
Nauna na ang aktor na si Mon Confiado, “Stay Safe Cong (praying hands emoji).
Sabi ng car racer na si Angie Mead King, “Sorry to see this bro.”
Nagulat naman ang CEO ng Aguila Entertainment na si Katrina Aguila, “Omggggg. Glad ur safe.”
Komento ng aktor na si Richard Gutierrez, “Damn son!! Glad your ok brother.”
Ani Troy Montero, “Damn bro, glad you ayt.”
Sabi ng kapatid ni Bryan na si Gianna Revilla, “Big hugs kuya.”
Mensahe ng TV host-actress na si Phoemela Baranda, “Oh my good your safe!”
Palaisipan naman sa amin kung sino si @bekahluzuriaga dahil sa mensahe niyang, “What a day!! Love you babe.”