TILA nilinis ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang listahan ng mga botante.
Ayon sa weekly report ng Comelec, mahigit 25,000 ang tinanggal nila sa kanilang voters list.
Ang kanilang dahilan, ito ay mga duplicate, pumanaw na o kaya naman ay mga lumipat na ng lugar.
Sinabi rin ng ahensya na ang inisyatibo na kanilang ginawa ay para na rin sa paghahanda sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ngayong Oktubre.
“Partial data as of 23 June 2023 show that a total of 25,440 records nationwide have been deleted or abated from the National List of Registered Voters,” sey ni Comelec spokesperson Director na si John Rex Laudiangco.
Baka Bet Mo: Vicki Belo pinagalitan ng botante: ‘Akala ko ba pang-senior lang itong area na ‘to? Bakit nandiyan iyan?’
Ang mga inalis na botante ay ibinase sa mga sumusunod na kategorya:
- Pagkakakilanlan ng dalawa o higit pa sa bawat fingerprint ng botante (12,987)
- Mga botante na lumipat sa ibang siyudad o bayan (12,274)
- Mga botante na hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na eleksyon (2)
- Mga botante na kumpirmadong patay (168)
- Mga botante na may dalawa o higit pang records sa kanilang siyudad o bayan (9)
Sinabi ng Comelec na ang mga dokumento na kanilang nakalao ay ipapasa sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at National Movement for Free Elections (Namfrel) upang suriing mabuti.
“After the hearing, the [PPCRV] and the [Namfrel] will be given copies of the voter’s list for their inspection/ examination,” saad ni Laudiangco.
Dagdag pa niya, “Cleansing of the voter’s list will be conducted again in July, if double/ multiple records still remain after the 19 June 2023.”
Read more:
6.5 milyon deactivated voters naitala sa bansa
Vice Ganda ulirang dyowa; nilinis ang putikang motor at boots ni Ion Perez