MAGSASAMA sa isang epiko at makalumang pelikula ang ilang bigating Hollywood stars.
Ito ang may titulong “Oppenheimer” na base sa award-winning book na “American Prometheus: The Triumph and Tragedy of J. Robert Oppenheimer” na isinulat nina Kai Bird at yumaong Martin J. Sherwin.
Mapapanood sa pasilip ng pelikula na iikot ang kwento nito sa binansagang “Father of the Atomic Bomb” na si J. Robert Oppenheimer sa panahon ng World War II.
Ilan lamang sa mga bibida rito ay sina Cillian Murphy, Emily Blunt, Matt Damon at Robert Downey, Jr.
Baka Bet Mo: Chito Miranda nag-fan boy kay Gary Valenciano, magco-collab sa isang kanta
Sa naging interview ng American entertainment media na Variety ay ibinahagi ng co-author at historian na si Kai ang kanyang opinion matapos niyang mapanood ang pelikula.
Inamin niya na siya ay nagulat at naging emosyonal sa naging takbo ng istorya nito.
“I am, at the moment, stunned and emotionally recovering from having seen it,” sey ng may akda.
Hiling pa niya, sana ito ang maging daan upang mabuksan ang mga pag-uusap patungkol sa mga isyu na kinakaharap ng mundo, lalo na pagdating sa siyensya at teknolohiya.
Dagdag niya, “I think it is going to be a stunning artistic achievement, and I have hopes it will actually stimulate a national, even global conversation about the issues that Oppenheimer was desperate to speak out about — about how to live in the atomic age, how to live with the bomb and about McCarthyism — what it means to be a patriot, and what is the role for a scientist in a society drenched with technology and science, to speak out about public issues.”
Ang “Oppenheimer” ay nakatakdang ipalabas sa lahat ng lokal na sinehan sa July 19.
Related Chika:
Robert Bolick may pakiusap sa pamilya, nagpasalamat sa asawang si Cassandra Yu