Vice Ganda ulirang dyowa; nilinis ang putikang motor at boots ni Ion Perez | Bandera

Vice Ganda ulirang dyowa; nilinis ang putikang motor at boots ni Ion Perez

Alex Brosas - June 30, 2021 - 08:57 AM

IN the name of love ay nilinis ni Vice Ganda ang putikang motorsiklo ng dyowang si Ion Perez.

Kagagaling lang ni Ion sa trail sa isang bundok kaya naman puro putik ang kanyang motorsiklo.

Tumulong sa paglilinis si Vice at kitang-kita sa Youtube video niya na na-enjoy naman niya ang kanyang experience.

“Dapat malinis na malinis ‘yan, ha,” say ni Ion sa “It’s Showtime” host. 

Sinimulan ni Vice Ganda ang paglilinis sa pamamagitan ng paggamit ng power hose na kanyang itinutok sa motorsiklo.

“Sa pamamagitan ng power hose na ito ay unti-unting nabibitak ang  mga namuo at nanigas nang mga putik, ang mga t*e-t*e mula sa bundok,” say ni Vice Ganda.

“Gusto ko, pagkatapos niyan dapat bagong labas sa casa,” say ni Ion.    

“Oh my God! So habang tinatanggal ko ‘yung putik ay nalalagay ito sa kotse ko,” say ni Vice Ganda.

“Ayaw mo ba noon? Ako ang maglilinis mamaya, kahit abutan tayo ng magdamag dito,” sagot ni Ion.

Pinalitan ni Vice Ganda ng bala ang power hose ng liquid soap para masabunan ang motorsiklo.

Then, ang putikang boots naman ni Ion ang kanyang nilinis gamit ang power hose. Next naman ay pinunasan na ng “It’s Showtime” host ng basahan ang motorsiklo ni Ion.

Power hose na rin ang pinanglinis ni Vice sa putikang damit ni Ion.  

* * *

Ayon kay direk Don Cuaresma, ibinabalik ng Puregold Channel ang golden era ng sitcoms sa pamamagitan ng “GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes” na nagtatampok kina Jerome Ponce, Nikko Natividad at Dave Bornea kasama sina Carmi Martin at Wilma Doesnt.

“Ang istorya kasi nito, it is actually the brainchild by the president of Puregold, si Vincent Co. Gusto niya kasi na ‘yung nineties na sitcom Palibhasa Lalaki, Chika Chika Chicks, Okidokidok, Home Along Da Riles na dalhin sa bagong generation,” say ni direk Don  sa online conference ng show noong June 26.

“GV Boys is the story of three male boarders. Ang pamilya kasi it’s not only formed by bloodline, it is also formed by affinity. Paano ‘yung friendship na nag-evolve sa pagiging pamilya,” dagdag pa niya.

Si Jerome Ponce ay si Jawo, “Ako ‘yung medyo kulang-kulang. Hindi  grumaduate, mabilis ma-in love. Nakaka-relate ako dahil funny talaga ‘yung character. Gusto ko talagang maging funny. Gusto niya ring mag-artista kasi.” 

Si Nikko Natividad ay si Daks, street smart, madiskarte sa buhay, maharot, madaldal at masayang kasama.

“Parang ako po siya talaga. Madiskarte sa buhay, street smart. Sabi ko, hindi na ako nanggaya ng character. Noong binasa ko ‘yung character, ah, parang ako pala ito talaga,” say ni Nikko. 

Si Dave Bornea ay si Zeus Alanganin, an Amboy na may sikretong ibubunyag.

“Ano ako rito, may pagka-feminine, baliktad sa personality ko sa tunay na buhay,” say ni Dave.

Si Wilma Doesn’t naman ay ang outfiterang kabigan ni Aling Pearly, played by Carmi Martin na isang half Korean, half Pinay na landlord nina Nikko, Dave at Jerome.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“GVBOYS: Pangmalakasang Good  Vibes” will have 8 episode drops and 2 special episodes and can be watched free on Puregold Channel’s Facebook and YouTube pages starting July 10.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending