Confirmed: Zeinab Harake, Bobby Ray Parks mag-dyowa na

Confirmed: Zeinab Harake, Bobby Ray Parks mag-dyowa na

PHOTO: Instagram/@ray1parks

IT’S true mga Ka-bandera! Mag-dyowa na nga ang social media star na si Zeinab Harake at basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr.

Ito ang diretsahang kinumpirma mismo ni Zeinab matapos siyang tanungin ng tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang programa na “Fast Talk.”

Tanong sa kanya ni Tito Boy, “Is Bobby Ray Parks your boyfriend?”

Pag-amin agad ni Zeinab, “Yes. Yes. He’s my partner now.”

Proud pang inilarawan ng socmed star na “husband material” ang kanyang boyfriend.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake payag sa co-parenting set up kasama si Skusta Clee pero…

Sabi niya kay Tito Boy, “Natutuwa ako kasi parang hindi boyfriend ang nakita ko and sana nga huwag mausog.”

“‘Yun ‘yung lagi kong sinasabi, sana huwag mausog. Lord ibigay niyo na ‘to kasi he’s really a good man,” patuloy niya.

Nakuwento din ng vlogger na pinaghirapan talaga ni Bobby Ray na makuha ang kanyang tiwala kaya naman deserve daw nito na makuha ang kanyang matamis na “yes.”

“Hindi naman ako magtitiwala agad-agad kung hindi niya rin naman inearn ‘yun sakin and pinatunayan niya naman niya ‘yung sarili niya,” chika ni Zeinab.

Kung maaalala noong Father’s Day ay nagbigay na ng hint ang socmed influencer patungkol sa estado ng relasyon nila ni Bobby Ray.

Tinawag na niya itong “partner” at pinasalamatan pa ang basketball player dahil nagpapakatatay ito para sa kanya.

Nabanggit din ni Zeinab kay Tito Boy na natutuwa siya sa kanyang partner dahil may kusa itong ipagtanggol siya laban sa mga naninira sa kanya.

“First time kong maipagtanggol,” sambit ng vlogger.

Aniya pa, “Parang hindi mo na kailangang i-explain ang sarili mo kasi meron nang mag-eexplain niyan para sayo.”

Kamakailan lang ay nasangkot sa “cheating issue” si Zeinab at siya ay ipinagtanggol ng basketbolista.

May nagpakilalang Erst Kimberly na nagpakilala at sinabing naging ka-”something” umano siya ni Bobby Ray.

Lumalabas rin sa kanyang post na kabit si Zeinab, ngunit ito ay agad na pinabulaan ng basketball player.

Paglilinaw pa ni Bobby Ray, “NEVER NAGING KABIT yung taong mahal ko (Zeinab)… To be clear, malabo na tayo bago pa ako umuwi ng Pinas at bago ko pa siya nakilala.”

Related Chika:

Zeinab Harake, Bobby Ray Parks magdyowa na nga ba, may palitan ng sweet messages sa isa’t isa?

Read more...