KC Concepcion super grateful kay Kiko Pangilinan, ibinandera ang special gift na natanggap

LABIS ang pasasalamat ng actress-singer na si KC Concepcion sa kanyang naging pangalawang ama na si dating Sen. Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Youtube vlog kung saan niya ibinahagi ang kwento ng muli nilang pagkikita ng amang si Gabby Concepcion matapos ang matagal na hindi pagkikita, ay hindi nakalimutan ng aktres na i-acknowledge ang tumayong ama sa kanya ng mahabang taon.

Ani KC, super grateful siya na mayroon siyang ama sa katauhan ng dating senador noong mga panahong kinakailangan niya ng ito.

“Thank you so much, Dad! Even during those time na nangyayari ito, itong situation na ito with my Papa, siyempre naman, I’m very grateful to have had a taste of a complete family.

“To have someone whom I can call my dad throughout this whole story with me and my papa, I had Dad,” saad ni KC.

Baka Bet Mo: Sharon, KC pareho nang pang-international ang aktingan: Excited for you guys to see it!

Ibinandera rin ng dalaga ang greatest gift na natanggap niya mula sa kanyang Daddy Kiko.

“This necklace… this is the wedding gift that my dad gave me when he married my mom, when I was 12,” kuwento ni KC.

Pagpapatuloy niya, “May wedding gift rin ako because he said marrying my mom, he also married me kasi package deal kami noong time na ‘yun.”

Super thankful nga si KC sa kanyang Daddy Kiko sa pagtayo nitong ama sa kanya.

“Thank you for accepting me and for loving me as your own. Siya ‘yung tumayong daddy ko for the longest time especially during my teenage years na napakaimportante rin siguro para sa isang babae na magka-daddy kaya thank you, dad! I love you!”

Related Chika:
Sharon ibinandera ang pagiging proud nanay sa Hollywood movie ni KC Concepcion: Show the world what you’ve got!

KC Concepcion napaiyak nang balikan ang muling pagsasama nila ni Gabby after 15 years: ‘It was such a memorable moment…’

Read more...