Vice Ganda walang sama ng loob sa TVJ, tuloy ang pagpapasaya sa madlang pipol

Vice Ganda walang sama ng loob sa TVJ, tuloy ang pagpapasaya sa madlang pipol

BAGAMAT nabigla sa mga pangyayari, walang sama ng loob na nararamdaman si Vice Ganda laban kina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Ito ay may kinalaman sa hindi na pag-ere ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime” dahil nagkaroon ng pagbabago sa kanilang programming at isa na nga dito ang pagpasok ng bagong show ng TVJ.

Sa kanyang panayam sa “24 Oras” ay nausisa siya kung ano ang kanyang pakiramdam sa bagong ganap ng “It’s Showtime”.

“We don’t feel bad sa TVJ, wala kaming ganon ha. S’yempre, meron ka ding… napaka-ipokrita kapag sinabi mong hindi ka nalungkot nung sinabi sa amin na nung una pa lang baka hindi na tayo mag-ere sa TV5. S’yempre nalungkot din kami kasi hindi namin alam kung saan kami pupunta,” pagbabahagi ni Vice.

Aniya bagamat nakaramdam sila ng lungkot ay masaya sila sa bagong oportunidad na dumating sa kanila.

“Pero ngayon naman malinaw sa lahat at saka masaya kami na ‘di ba may nagsarang pinto may bumukas ulit na isang pinto,” sey pa ni Vice.

Labis nga ang pasasalamat ni Vice sa GTV sa pagbibigay nito ng bagong tahanan para sa kanilang noontime program.

Baka Bet Mo: Vice Ganda super happy sa kanyang kaarawan, binati ni Joey de Leon at iba pang ‘Eat Bulaga’ hosts

“Nung binalita sa amin s’yempre emosyonal kaming lahat kasi nasa kalagitnaan kami ng lungkot diba, ‘yung parang nawalan ka ng tirahan.

“Tapos biglang may kukupkop na naman sa ‘yo, we feel so special and we’re very grateful to GTV,” lahad pa ni Vice.

Ipinapangako rin ng Unkabogable Star na hindi nito sasayangin ang pagkakataon na ibinigay sa kanila ng GTV at talagang todo handa na sila para sa mga manonood.

“Kailangan maghanda, nakakahiya naman sa GTV kung hindi di ba? ‘Yung pagpapahiram nila sa amin ng matitirahan sobra kaming nagpapasalamat doon at hindi namin sasayangin,” chika pa ni Vice.

Naikuwento rin nito ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Kapuso at kahit walang kasiguraduhan ang mga mangyayari ay nananatili silang excited.

“Ang dami ko ring friends sa GMA na nag-message sa akin agad, nakakatuwa… Very uncertain ‘yung mga ganap kung anong mangyayari pa pero it just gets more and more exciting.”

Simula Sabado, July 1, mas madadagdagan pa ang madlang people dahil mapapanood na rin ng mga Kapuso ang “It’s Showtime” sa GTV.

Related Chika:
Nang dahil sa TVJ…’It’s Showtime’ ng ABS-CBN goodbye na sa TV5, lilipat sa GTV

Vice Ganda may pa-open letter sa ‘Showtime’ family: Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin

Read more...