Producer ng ‘Mallari’ pinaghandaan ang talent fee ni Piolo: ‘Hindi na kami nagtangkang tumawad, kasi…’

Producer ng 'Mallari' pinaghandaan ang talent fee ni Piolo: 'Hindi na kami nagtangkang tumawad, kasi...'

Piolo Pascual at Bryan Dy

INAMIN ng producer ng pelikulang “Mallari” na si Bryan Dy (Mentorque Productions) na nu’ng ipinitch sa kanya ang project ay nagustuhan niya agad.

Ang unang-unang naisip niya na gumanap bilang Father Juan Severino Mallari ay ang aktor na si Piolo Pascual.

“Tinanggihan muna ni Piolo kasi we will submit this to MMFF (Metro Manila Film Festival 2023), e, he doesn’t wanna work during December plus ang dami niyang schedule talaga.

“Hindi naman kami nag-give-up, ako personally kasi I really think na he fits the role. Maraming nilista (na mga aktor) pero pag iniisip namin si Piolo talaga.  Siguro kung hindi niya kinuha (tinanggap) hindi ko rin gagawin kasi ayoko namang ipilit,” bungad kuwento ng batang producer.

Willing to wait naman ang Mentorque Productions team kay Papa P at plano muna nilang gumawa ng ibang pelikula.

“Sabi ko nga, I wanna be a concept driven producer, I don’t want na artista tapos iti-twist ko ‘yung istorya para mag-fit doon sa artista. And this is really a good story, so, talagang hunting the right person,” katwiran ni Bryan.

Natawa naman nang husto ang producer nang sabihing “bigatin” siya dahil nakuha niya ang isang Piolo Pascual na alam naman ng lahat kung gaano kalaki ang talent fee at metikuloso nga sa projects. Kaya natanong ng media kung gaano kalaki ang talent fee ng aktor.

“May NDA (non disclosure agreement) kami. Ha-hahaha!” tumatawang sagot ni Bryan.

Hindi naman kailangang ibigay ang figures sabi namin, basta gaano ito kalaki, “Well, Piolo is Piolo!” mabilis na sabi ni Bryan.

Dagdag pa, “Nu’ng sinabi naman sa amin (talent fee) hindi na ako nagtangkang tumawad dahil at the end of the day ang hirap ng ipinapagawa namin sa kanya.  And it will really need his focus. Hindi ito isang karakter na pumunta sa tatlong iba’t ibang karakter.”

 

Baka Bet Mo: Piolo pinangarap maging pari sa edad na 18; sasabak sa matinding challenge bilang serial killer sa ‘Mallari’

Hindi ba umurong ang Mentorque producer nang malamang malaki ang inihaing presyo ng Cornerstone Entertainment na management company ng aktor.

“I made my studies and I did financial planning also, so, we were expecting it,” kaswal nitong sagot.

Tungkol naman sa makakasama ni Piolo sa “Mallari” ay same level ba ng stature ni Piolo, “It’s gonna be mixture. And may mga shocking na kasama and iyon din ‘yung natutuwa ako kasi people, we never expected to say yes kasi ang ginawa namin ay finit namin ang karakter.

“Kung sino ‘yung artista (bagay) doon talaga sa istorya. Ako talagang pinapahanap ko sila (ibang cast). Actually main cast okay na. Kung magpapa-audition kami doon na lang sa mga supporting and isa ako talaga sa excited to reveal,” aniya pa.

Nasambit din na baka manganak pa nang manganak ang kuwento ni Father Mallari.

“Kasi baka nag-focus kami doon sa istorya ng priest. It was really an inspiration of a fictional story,” sambit pa ni Bryan.

Ang project na “Mallari” ang pinakamalaking pelikulang gagawin ng Mentorque kaya kinakabahan at excited si Bryan.

“Kasi there are really big things na gagawin namin na never pa naming ginawa. Kung mapapansin ninyo ‘yung mga dating pelikulang ginawa (Vivamax) wala akong karapatang ma-involve kasi bago pa lang ako, so, I was an observer.

“How it works, paano nangyari at natutuwa ako kasi marami akong natutunan doon while being on those films 3:16 Media (network) with ‘Nay Len (Carillo), with Viva marami akong natutunan doon.

“So, this time, it’s a perfect timing. This one (Mallari) is a solo film of Mentorque Productions and ito talagang I was makulit and part from beginning to end sa pagpili sa mangyayari, very hands on,” paliwanag ni Bryan.

Dagdag pa, “Hindi ko ma-picture sa iba (aktor na gaganap), and alam kong maraming nagda-doubt on what we’re doing but basically kasi hindi pa namin sinasabi kung anong mangyayari.  We want the film to be really surprise to all.”

Kaya nagpapasalamat si Bryan sa pagtanggap ni Piolo ng “Mallari” dahil baguhan siyang producer at isang taon palang siya sa industriya.

“First pitch namin via zoom and pini-pitch sa kanya ‘yung movie and ako no’n kinakabahan kasi parang second pitch ‘yun and ayaw ko namang marinig na ‘tatawagan na lang namin kayo.’

“Kaya I did my study, I try to call people and to really make sure kasi to be honest I just started a year pa lang, so ano ang Mentorque Productions para sa isang Piolo Pascual to say na ‘sige gawin ko ‘yan kasi Mentorque ‘yan.’

“Marami pa kaming kailangang patunayan, so, at the end of the day isang bagay ‘yun na challenging din on our part kasi talagang nagsisimula palang po ako and natutuwa kami kasi the trust na ibinigay sa amin ni Piolo na naniniwala siya sa vision namin,” paliwanag mabuti ni Bryan.

At sobrang pinaghandaan talaga ng Mentorque Productions ang media launch cum contract signing ni Piolo for “Mallari” na ginanap sa Monet 2 ballroom ng Novotel, Aranera, Quezon City.

Namangha rin ang lahat sa nakita nilang production design ng “Mallari” kung saan may mga mannequin na may takip ng pulang tela pati ang mga ilaw ay naka-dim lahat with matching bamboos sa magkabilang side ng stage.

Komento nga ng media, ang bongga ng event na parang nasa spa dahil mabango plus ang background music ay ang Gregorian Chant.

Kaya gaano kaya kabongga pa ang next event kapag ipinakilala na ang complete cast sa Hulyo.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nagsu-shoot ang “Mallari” dahil may prior commitments pa si Piolo kaya’t waiting sa kanya ang buong production team na excited na ring maka-work siya.

Ang “Mallari” ay mula sa script ni Joaquin Enrico Santos at ididirek naman ni Derick Cabrido with Omar Sortijas as supervising producer at umaasa silang sana makapasok sa Metro Manila Film Festival ngayong December, 2023.

Related Chika:
Inigo may bonggang Father’s Day gift kay Piolo: ‘I don’t wear jewelry but he gave me an Infinity necklace, that’s why I’m wearing it’

Piolo Pascual inaming feeling empty nang matamo ang peak ng career: ‘Walang meaning ‘yung buhay’

Read more...