Ogie Diaz babatiin si Liza Soberano kapag nagkita at chumika sa kanya: 'Ayoko namang lumapit baka ma-isnab ako' | Bandera

Ogie Diaz babatiin si Liza Soberano kapag nagkita at chumika sa kanya: ‘Ayoko namang lumapit baka ma-isnab ako’

Ervin Santiago |June 19,2023
facebook
share this

Ogie Diaz babatiin si Liza Soberano kapag nagkita at chumika sa kanya: ‘Ayoko namang lumapit baka ma-isnab ako’

Ervin Santiago - June 19, 2023 - 11:22 AM

Ogie Diaz babatiin si Liza Soberano kapag nagkita at chumika sa kanya: 'Ayoko namang lumapit baka ma-isnab ako'

Liza Soberano at Ogie Diaz

NAKA-MOVE on na nang bonggang-bongga ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa paghihiwalay nila ng dati niyang talent na si Liza Soberano.

Tanggap na ni Papa O ang katotohanan na wala na sa pangangalaga niya si Liza at meron na itong sariling buhay ngayon sa Amerika para sa kanyang pinakamimithing Hollywood dream.

Nagkasagutan sina Ogie at Liza sa pamamagitan ng kani-kanilang social media accounts, partikular sa YouTube, kung saan nagkalabasan nga sila ng kani-kanilang saloobin tungkol sa paghihiwalay bilang talent at manager.

Ayon kay Ogie, hindi naman daw mahirap ang pinagdaanan niya sa pag-alis ni Liza sa kanyang poder dahil naiintindihan naman niya ang naging desisyon ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi naman mahirap i-handle ang isang sitwasyon lalo na kung alam mo ang tunay na kaganapan lalo na kung alam mong hindi ka nagsisinungaling, lalo na kung sinasabi mo lang ang katotohanan.

“Hindi ka dapat mahirapan as long as you know the truth and you are telling the truth and only the truth. ‘Yun lang,” pahayag ni Ogie.

“Kasi kung nagsisinungaling ka, iba na ang statement mo. E, ako, hindi! and ang sa akin, gusto kong unawain kung saan nang gagaling si Liza kung gusto niya ng ng ibang career path wala naman problema sa akin.

Baka Bet Mo: Sagot ni Liza kapag nabigo sa Hollywood: ‘At least I tried, wala akong regrets pagtanda ko na hindi ko man lang sinubukan’

“As long as tama lang naman ang sasabihin mo ‘yung hindi ako makukuwestiyon na bakit ito ang ginawa mo sa kanya, bakit ito ang sinabi mo against her, bakit ito sinabi niya against you.

“Siyempre kailangan ko rin naman sumagot kapag mayroon nang hundi maganda sa mga narinig ko. At kailangan kong ibangon ang integridad ko, ‘di ba?” pahayag pa ni Ogie sa panayam ng Cinema News Channel.

Sa kabila ng mga nangyari, tumatanaw pa rin ng utang na loob si Ogie kay Liza, “At the end of the day I still owe her big time na if not for Liza, siguro marami rin akong hindi na achieve kaya nagpapasalamat pa rin naman ako sa kanya.

“Kung anuman ‘yung mga nagawa niya sa buhay ko, sa buhay ng miracle baby ko, kailangan thankful ka pa rin, grateful ka pa din ako ha sa kanya,” paliwanag ng talent manager.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)


Aniya pa, “Kahit na sinasabi ng iba na ako yung sinisiraan ng mga fans, wala akong pakialam. For as long as I know the truth and we both know the truth okay ako doon.

“Life has to go on and naka-move on naman na ako and I’m sure pati siya naka move on na rin, so okay lang ‘di ba?” dugtong ni Papa O.

Sa tanong kung ready na ba siyang makipag-ayos sa dating alaga, “Kapag nga one time bigla kaming magkasalubong? Kung babatiin niya ako, babatiin ko siya.”

“Kasi ayoko naman lumapit baka ma-isnab ako, sa tanda kong ito sa industriya ma-isnab pa ako hindi na. Kung lalapit, thank you!” chika pa niya.

“Maganda lang sana wala nang sakitan na after the split up para wala na din marinig at the end of the day maliit lang ang mundo maliit lang ang showbiz, magkikita at magkikita pa rin tayo o mahirap magpautang ng salita.

“Mahirap na magbitaw ng masasakit na salita kung kakainin mo lang din naman. Ako ‘to, ha?

“Kung kakainin ko lang din naman at balang araw magkita kami na, ‘O, ano na ‘yung sinabi mo kay Liza? Ang tagal ko na rito nakakahiya naman kung wala pa akong natutunan 37 years na ako in the business. Ganu’n lang,” sey ni Ogie.

“Kapag binati ako ni Liza dyusko baka hindi ko na siya pakawalang yakapin kasi nga na-miss ko yung bata. Na-miss ko yung dating siya,” ani Ogie.

Ipinagdiinan din ni Papa O na hindi siya galit kay Liza, “Oo, pangit naman na mag wish pa tayo ng masama sa tao. Marami rin naman ang gumago rin sa akin.

“Pero hindi ko sila sinusumpa, hindi ko sila sinasabi ma-karma sila kasi alam naman ng yos ang ginagawa nila. Alam rin ng diyos ang ginagawa ko. Kasi kapag tinanim mo pa ‘yan dito, kakarga pa ‘yan sayo,” aniya.

“Mas maganda na okay na okay na ‘yan. Ang importante wala ka nang karga. ‘Yun lang naman ‘yun. Saka wala akong sama ng loob kay Liza after all of this. Nilinaw ko lang naman ang ibang issue. ‘Yun lang naman ‘yun.

“Pero sama ng loob, wala. Tandaan mo, ‘pag naglaan ka ng sama ng loob, kasalanan mo ‘yun sa sarili mo,” saad pa ng content creator.

Liza Soberano dinenay na hiwalay na sila ni Enrique Gil: We’re totally fine, he’s very supportive pa rin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz may sama ba ng loob sa mga dating alagang sina Vice Ganda at Liza Soberano?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending