Elizabeth Oropesa nanalong Miss RP-Luzon 1972 pero binawi ang korona makalipas ang ilang oras, anyare!?
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Elizabeth Oropesa
NAKAKALOKA pala ang nangyari sa veteran actress na si Elizabeth Oropesa nang itanghal siya bilang Miss RP Luzon noong 1972.
Isinali raw siya ng kanyang nanay sa nasabing beauty pageant sa edad na 15 kahit na alam nilang 18 years old ang minimum age requirement.
Wala naman daw siyang nagawa kundi sundin ang kagustuhan ng nanay niya dahil pangarap din daw nito ang maging beauty queen noong kabataan nito.
“Ang bata-bata ko pa, kinse lang ako nu’n. E, di pinasok ako doon. Noong araw kasi, 18 above, e ang laki ko, ang tangkad ko 5’8 ako e.
“So, pagpasok ko du’n, to make the long story short, nanalo ako,” pag-alala ni La Oropesa sa pagsali niya sa naturang pageant sa panayam ng kaibigan nating showbiz reporter na si Morly Alinio na mapapanood sa kanyang YouTube channel.
Kasunod nga nito, may mga nabwisit at napikon daw after niyang manalo. Nagsumbong ang mga ito sa organizers ng contest na underage raw siya.
Kaya agad daw siyang pinatawag ng mga taong nasa likod ng pageant at hiningi ang kanyang birth certificate. Doon na raw nalaman na 15 lang siya.
“E, may Marites, tsinismis. Binawi yung napanalunan ko,” pahayag ni Elizabeth.
“Yung nanay ko ayaw isauli yung korona. Hindi niya sinoli yung korona, Sinauli na lang namin lahat ng napanalunan. Nasa bahay pa rin namin sa Bicol (yung korona),” kuwento pa ni La Oro.
Sa isa pang hiwalay na panayam sinabi ng award-winning veteran actress na wala siyang pagsisisi na sumali siya sa Miss RP.
“Wala akong regrets na sumali ako at that age kasi nabigyan ko ng kasiyahan ang nanay ko. Siya yung masayang-masaya sa pagkapanalo ko.
“Kahit na binawi, okay lang kasi it was an unforgettable experience for me at naging daan din iyon para maging artista ako,” pahayag ng aktres.