SA kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na ang TV host at dating Manila Mayor na si Isko Moreno patungkol sa pagsali niya sa bagong bihis na noontime show na “Eat Bulaga.”
Kamakailan lang ay nagkaroon ng exclusive interview ang Marites University na ibinahagi sa kanilang YouTube channel at dito inihayag ni Isko ang kanyang saloobin.
Sa umpisa ay lubos na nagpasalamat ang dating alkalde na naging parte siya ng nasabing programa.
“I’m actually honored and humbled with the opportunity. Malaking karangal na, you know, maging bahagi ng isang institusyong show. You can call it institution because naging bahagi ito ng buhay natin na I guess this is now the 44th year na araw-araw napapanood natin,” sey niya.
Patuloy pa niya, “At alam natin na sina Tito, Vic and Joey – ah TVJ talagang legend natin ‘yan sa noontime show at maraming parte ng buhay natin na talagang bahagi ang Eat Bulaga.”
Baka Bet Mo: Tito Sotto inaming wala sa plano ang magpaalam sa TAPE, mga ads sa ‘Eat Bulaga’ nag-pull out na rin?
“That’s why I’m really grateful to TAPE Inc., to the management and to the creative team, the production na mapili tayo na maging bahagi ng bagong Eat Bulaga,” ani pa ni Isko.
Kasunod niyan ay nilinaw ng TV host na wala siyang balak na tapatan ang OG hosts ng Eat Bulaga na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
“As I have said, when I said yes to be part of Eat Bulaga, we don’t have any intention, I for one, have any intention na palitan sila,” sambit niya.
Paliwanag pa niya, “It’s just there’s vacuum in the show and maraming umaasang empleyado na kinakabahan na baka matigil ang show and you know, we took the challenge and try to be the best we can be in a daily live show.”
“At paulit-ulit ko ngang sasabihin, hindi basta-basta matatanggal sa puso at damdamin ng ating mga kababayan [ang TVJ],” giit pa niya.
Nakwento niya rin na bago siya sumalang sa programa ay nagpaabot siya ng mensahe sa TVJ bilang respeto.
“Nagpasintabi rin ako. It’s just a matter of mutual respect. We have a common friend, ‘pare, pakisabi lang kila TVJ.’ Sabi ko may offer sakin at tatanggapin ko. Okay naman, wala namang sinabi at all,” Chika ni Yorme.
Dagdag niya, “So it’s nothing to do with them. It’s always something to do with the people.”
Matatandaan noong June 10 nang magsimulang makigulo sa nasabing show si Isko at dahil dito ay iba-iba ang naging reaksyon ng madlang pipol.
Ang segment ni Yorme sa “Eat Bulaga” ay ang “G sa Gedli” na randomly na tumutulong sa mga kababayan na nagsisikap sa buhay o nangangailangan.
Ka-tandem diyan ni Isko ang aktor na si Buboy Villar.