Herlene Budol iniyakan ang pamamaalam ng TVJ sa GMA, umaming inalok na maging host sa bagong ‘Eat Bulaga’

Herlene Budol iniyakan ang pamamaalam ng TVJ sa GMA, umaming inalok na maging host sa bagong 'Eat Bulaga'

Rob Gomez, Herlene Budol at Benjamin Alves

FEELING na-heartbroken din ang Kapuso comedienne at beauty queen na si Herlene Budol nang mag-goodbye ang iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa “Eat Bulaga” ng GMA 7.

Sa katunayan, super cry pa raw siya nang mapanood ang pamamaalam ng TVJ kasama ang iba pang original Dabarkads sa producer ng longest-running noontime show sa bansa, ang TAPE Incorporated.

Nakachikahan namin at ng ilan lang members ng entertainment media si Herlene sa grand presscon ng kanyang launching series sa GMA 7 na “Magandang Dilag” kahapon, June 17.

Natanong nga sa kanya ang chikang inalok daw siya ng TAPE para maging regular host ng bagong “Eat Bulaga.” Pero ang balita nga ay tinanggihan niya ang offer ng TAPE.


Kinumpirma ng komedyana na totoong kinukuha siya na maging host ng “Eat Bulaga” pero hindi niya ito tinanggap dahil sa dami ng projects niya ngayon.

“After po nito, why not po?” ang sey ni Herlene. “Sobrang happy po ako kung sakali po.”

Ngunit mabilis niyang nilinaw na napakalaki ng pagrespeto niya kina Tito, Vic & Joey, “Siyempre, simula nun’g bata ho ako, utot pa lang ho ako, nandiyan na sila. So, nun’g nawala sila, umiyak ho ako. Talagang parang feeling ko, na-heartbroken din po ako.”

Baka Bet Mo: Herlene Budol hindi kumita sa mga naunang vlogs: Nakakalungkot lang isipin kasi kahit kani-kanino ako nagtiwala

Wala naman daw siyang naramdamang  panghihinayang na napalagpas niya ang pagkakataong maging bahagi ng bagong “Eat Bulaga” na pinangungunahan ngayon nina Paolo Contis, Betong Sumaya at Buboy Villar.

“Sa tamang panahon naman po ‘yan, eh. May mga bagay naman po siguro na kung para sa ‘yo, para sa ‘yo,” sey ni Herlene.

Samantala, nagkuwento rin ang dalaga tungkol sa mga hindi malilimutang karanasan niya sa taping ng “Magandang Dilag” at aminado siya na talagang super challenging ng kanyang role sa serye.


“Nu’ng napalabas pa lang sa Facebook kung sinong mga kasama ko, napamura talaga ako. Sabi ko ‘walandyo, bakit ganito mga kasama ko?’ Nakakatakot po talaga,” chika ni Herlene.

Aniya pa, talagang hiyang-hiya kapag nagkakamali sa mga eksena at nate-take 2 sila. Sobrang nakukunsensiya raw siya kapag hindi niya agad makuha ang tamang emosyon at pagde-deliver ng lines.

Pag-alala pa niya sa isang eksena nila ng veteran actress na si Sandy Andolong (gumaganap na nanay niya sa kuwento) nag-lock jaw daw siya dahil hindi siya agad makabitaw sa kanyang karakter.

“Nu’ng isang beses na hindi ako makabitaw, nagla-lock jaw na ho ako ta’s hindi ho ako makahinga. Kailangan po palang mag-move on pagkatapos ng eksena, hindi ko po nagagawa,” sabi pa ng dalaga.

To the rescue naman daw si Sandy at  minasahe ang kanyang panga, “Naamoy na niya ho lahat ng hininga ko dahil nakaganu’n ho siya sa akin (nakaharap sa mukha). ‘Sige, inhale, exhale.’ Nahihiya po akong ibuga ang hininga ko sa kanya.” Tawanan naman ang lahat ng nasa venue ng presscon kabilang na ang kanyang mga co-stars.

Anyway, mapapanood na ang “Magandang Dilag” simula sa June 26, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits. Gaganap na leading man ni Herlene sa serye sina Benjamin Alves at Rob Gomez.

Bukod kay Sandy, ka-join dito  Chanda Romero, Adrian Alandy, Maxine Medina, Bianca Manalo, at marami pang iba, sa direksyon ni Don Michael Perez.

Willie Revillame may ginawang kanta para kina BBM at Sarah: Ang kulang sa kampanya n’yo ay puso…

Herlene Budol may inamin tungkol kay Alden; nagka-cutting sa klase para lang mapanood ang Kalyeserye ng ‘Eat Bulaga’

Read more...