Juancho Trivino inalala ang araw na siya ay naging tatay

Juancho Trivino inalala ang araw na siya ay naging tatay, ibinandera ang unang ‘tasks’

Pauline del Rosario |June 17,2023
facebook
share this

Juancho Trivino inalala ang araw na siya ay naging tatay, ibinandera ang unang ‘tasks’

Pauline del Rosario - June 17, 2023 - 10:54 AM

Juancho Trivino inalala ang araw na siya ay naging tatay, ibinandera ang unang ‘tasks’

PHOTO: Instagram/@juanchotrivino

DALAWANG taon na ang nakalipas, pero tila fresh na fresh pa rin sa Kapuso actor na si Juancho Trivino ang mga pangyayari noong siya ay naging tatay.

Ayon sa aktor, ito ‘yung araw na ipinanganak ang first baby nila ni Joyce Pring na si Baby Eliam.

“Yes kay liam ito, way back July 2 2021,” sey niya sa Instagram post.

Sabi pa ni Juancho, sa darating na Linggo na kasi ang Father’s Day kaya bigla niya naalala ang nasabing special moment.

Kasabay niyan ay ipinagmalaki niya ang mga kauna-unahan niyang responsibilidad bilang isang first time dad.

Baka Bet Mo: #Panliligaw101 tips ni Juancho Trivino: Be brave, kahit mukha na kayong…alam n’yo na, para ma-feel niya na special siya

Makikita sa kanyang post na inisa-isa pa niya ang kanyang mga na-achieve bago at pagkatapos manganak ang kanyang misis.

Kabilang na riyan ang pagkuha ng hospital room, tamang pagsagot sa birth certificate at pagbabayad ng hospital bills.

Proud pang isinama ni Juancho na hindi siya hinimatay sa araw ng pagsilang ng kanyang anak.

Caption niya, “Dahil malapit na Father’s day, pakita ko sainyo ang araw na naging tatay ako at ang responsibility na nabigay sa akin during that day:

– Get a room

– Fill up birth cert (CORRECTLY)

– Do not faint (IMPORTANT)

– Pay for stuff (Do not faint part 2)”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juancho Triviño (@juanchotrivino)

Sa kasalukuyan, may dalawang anak na si Juancho at Joyce.

Ang second baby nila ay isang babae na ipinanganak noong nakaraang Abril lamang.

Matatandaang sa isang episode ng podcast ng Kapuso actor na “One on Juancho”, ibinandera ni Joyce ang sobrang pasasalamat niya sa pagiging hands-on tatay ng asawa kay Eliam.

Ikinasal sina Joyce at Juancho noong February 2020 at makalipas lamang ang isang taon ay biniyayaan na agad sila ng anak, si Alfonso Eliam.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mark Anthony fresh na uli; walang tigil sa pagwo-workout mula nang makalaya

Kapuso couple Juancho Trivino at Joyce Pring magkaka-baby No. 2 na, paandar ang pregnancy reveal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending