ISANG Pinay drag queen ang gumagawa ng pangalan sa international stage.
‘Yan ay matapos makapasok sa drag reality singing competition na “Queen of the Universe: Season 2″ na ginanap sa United Kingdom ang drag pop star na si Maxie Andreison.
Nagkaroon ng exclusive interview ang BANDERA kay Maxie at chinika niya sa amin ang kanyang journey sa singing competition.
Ayon kay Maxie, ang kanyang mga magulang at ang drag community ang naging inspirasyon niya upang tumulak sa international scene.
Paliwanag niya, maraming Pinay drag queen ang talentado sa ating bansa ngunit hindi napapansin sa entertainment industry.
“My first inspiration was my family, and our drag community here,” sey ni Maxie.
Wika pa niya, “Siyempre, ang dami-dami nating Filipino drag na very talented pero unseen.”
“Alam mo ‘yun, kulang tayo sa opportunity kaya I’m very,very proud to represent myself, my community and my family,” ani ng drag pop star.
Bukod diyan, nais din daw niyang matupad ang matagal niyang pinapangarap sa buhay – ang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Kwento pa niya sa amin, bata pa lang siya ay pinili na niyang magtrabaho at ito raw ang kanyang naging motibasyon upang lalong pagbutihin sa sinusuong na karera.
“I sacrificed a lot, even my studies, education. Hindi ko siya tinapos just for my family. I’ve been working since my teenage [years],” sambit ni Maxie.
Chika pa niya, “So ang purpose ko talaga is para magkaroon ng magandang buhay ‘yung family ko, of course, number one ‘yun. And number two is ma-achieve ko rin ang dream ko.”
Nabanggit din ng drag performer na sinubukan niya ring mag-audition sa unang season ng nasabing kompetisyon, ngunit nagkaroon ng mga aberya kaya hindi siya natuloy.
Gayunpaman, sinabi ni Maxie na ito siguro ang tamang oras na ipinagkaloob sa kanya para siya ay magningning at makilala sa buong mundo ang galing ng Pinay drag queen pagdating sa performance.
Saad niya, “I think, ito na ‘yung time ko to shine. So nagtrabaho talaga ako ng malala. Pinaghirapan ko kung ano ‘yung nakamtan ko ngayon kaya I’m so excited!”
Bukod sa vocalization, ilan lamang sa mga paghahanda na ginawa ni Maxie ay ang pagpapapayat at matinding exercise.
“Nag-diet ako…and physical exercise. Nag-exercise ako everyday. Vocalize para reading-ready tayo lumaban, and of course, I always pray na para gabayan niya ako sa laban na ‘to,” wika niya.
“Sa mga kanta kasi, it’s a collaboration. It’s a collaborative work,” ani pa niya.
Sa huli, ibinahagi ni Maxie ang ilan sa mga iniidolo niya sa kantahan upang siya ay mag-transform sa pagiging diva.
“I have a lot of inspirational divas, like, Beyonce, number one. Rihanna, Nicki Minaj – the holy trinity, you know,” sey ng drag pop star.
Aniya pa, “And sa mga old divas, like, Whitney Houston, Mariah Carey, ‘yung mga true divas na mga nakatulong sakin para mabuhay ‘yung drag persona ko.”
“And I’m very, very happy and lucky na mayroon tayong drag kung saan pwede akong mag-transform as a woman and perform my talent, share my talent and art to everybody,” sambit pa ni Maxie.
Related Chika: