Heart Evangelista, Chiz Escudero papasok na sa kanilang ‘bagong era’: Finally on the same chapter

Heart Evangelista, Chiz Escudero papasok na sa kanilang bagong 'era': Finally on the same chapter

SUPER naa-appreciate ng actress at socialite na si Heart Evangelista ang kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero.

Sa kanyang Instagram account ay ibinandera niya ang kanilang larawang magkasama habang ipini-flex ang kanilang outfit para sa MEGA Ball.

“Appreciation post for this man I call my husband. Through hell and beyond, you have stood by my side, and I thought I knew what unconditional was,” saad ni Heart.

Tila inaasar pa nga niya ang kanyang mister dahil mukhang parehas na silang tatahakin ang fashion industry.

Dagdag pa ni Heart, “Today, we are finally on the same chapter. It’s a new ERA.”

Baka Bet Mo: Heart Evangelista tinanggal ang apelyido ni Sen. Chiz sa IG name, may pinagdaraanan nga ba?

Marami naman sa mga fans st supporters ng aktres ang aliw na aliw sa kangyang IG post.

“Well and wisely stated, Heart. Smart girl!!!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Love! Parang ready a si sir magfashion week, tikas niya ngayon ah. Nakikipagsabayan na sayo dear.”

“Best couple!!! I heart you both!!” hirit naman ng isang netizen.

“A little challenge for any relationship is good…it makes you appreciate each other even more! I’m glad whatever you went through, it obviously even made your bond and appreciation for each other even greater,” sey naman ng isa.

Taong 2015 nang ikasal sina Heart at Sen. Chiz sa Balesin.

Matatandaang maraming chika ang naglabasan na naghiwalay silang mag-asawa ngunit pinabulaanan niya ito noong Disyembre 2022 at ibinandera ang larawan nila together.

Matapos nito ay inamin naman ni Heart na talagang may pinagdaanan silang mag-asawa ngunit naayos naman nila ito.

Related Chika:
Heart, Chiz may pinagdaraanan bilang mag-asawa, totoo nga kayang naghiwalay na?

Heart Evangelista binalikan ang journey sa showbiz: They hated me kasi ang arte-arte ko!

Read more...