Hirit ni Andrea sa tanong ni Vice kung type niyang sumali sa pasahan ng bola: ‘Ayoko na’

Hirit ni Andrea sa tanong ni Vice kung type niyang sumali sa pasahan ng bola: 'Ayoko na'

Andrea Brillantes

ALIW na aliw ang netizens sa mga hugot ni Andrea Brillantes nang mag-guest ito sa “It’s Showtime” noong Independence Day.

Napansin kasi nilang panay ang hugot ng bida ng “Drag You & Me” sa tuwing tinatanong siya ni Vice Ganda.

During the noontime show’s “Rampanalo” segment, natanong si Andrea tungkol sa bola. “Blythe, kung ikaw magpapasa ng bola, kanino mo ipapasa ang bola?” tanong ni Vice sa kanya.

“Bola? What’s that?” makahulugang tugon naman ng dalaga.

Of course, may pahabol pa na tanong si Vice Ganda, “Nag-enjoy siya kanina nu’ng pinapasa-pasa ‘yung mga bola. Gusto mo bang sumali sa pasahan ng bola?”


“Ayoko na,” came Andrea’s curt reply.

Sa nasabing portion pa rin, may sinabi si Andrea na tila sina Vice Ganda lang ang nakarinig.

“Mahalaga ang sinambit ni Andrea,” say ni Vice Ganda.

“Wala. Sinabi ko lang buti pa siya ipinaglaban ako,” sabi ni Andrea na patungkol sa isang female constestant.

“Sana ipanalo niya rin ako,” say ng female contestant.

Baka Bet Mo: Jericho Rosales bibida sa ‘Sellblock’; Francine Diaz pag-aagawan ng tatlong lalaki sa ‘Bola Bola’

Nag-mic drop bigla si Vice Ganda. Talagang hiyawan ang audience.

Ang feeling ng netizens, ang hugot ni Andrea ay may kinalaman sa break-up nito sa boyfriend na si Ricci Rivero na isang basketball player.


Last June 9, isang mahabang tweet ang ipinost ni Ricci na humihingi ng respeto sa desisyon nila na gawing private ang kanilang hiwalayan.

“I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what we’re going through.

“Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve what’s left of our friendship,” tweet ni Ricci.

Naging controversial ang split ng dalawa beauty queen-turned-politician Leren Mae Bautista was unwittingly dragged into the split.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang pagkikita nina Ricci at Leren Mae sa isang outreach program bilang celebration ng birthday ni Ricci.

Itinanggi na ni Los Baños councilor  na merong something romantic sa kanila at sinabing isa lanang outreach activity ang kanilang ginawa.

Samantala, kinabiliban ng sikat na US-based Filipino Math teacher at YouTuber ang trending segment ng “It’s Showtime” na “Rampanalo” dahil sa epektibo nitong pagtuturo ng mathematics sa madlang people.

Ayon sa reaction video ni Peter Esperanza sa kanyang Twitter account (@pedroj0se) noong Sabado (Hunyo 10), “Vice Ganda and Anne Curtis on the importance of accessibility in Philippine education at kung paano ang ‘Rampanalo ng @itsShowtimeNaay nagtuturo kung paano mag add, subtract, divide, at multiply ng integers.”


Sa ngayon, umani na ng halos dalawang milyong views ang kanyang post.
Patunay raw ang ‘Rampanalo’ na hindi lang saya ang nabibigay ng “It’s Showtime” kundi kaalaman din sa manonood.

“Salamat sa @itsShowtimeNa sa pagbibigay ng masaya at makabuluhang programa  para sa lahat. Pati math anxiety ng mga kabataan ay nababawasan nila @vicegandako at @annecurtissmith  sa pagRAMPA ng It’s Showtime Family,” sabi niya.

Kilala si Peter Esperanza bilang si Numberbender sa YouTube. Sa ngayon, meron na siyang higit sa 300,000 subscribers.

Kinilala rin siya noong 2015 bilang isa sa Apple Distinguished Educator ng Apple Distinguished Educator (ADE) Program at Filipino-American Community Hero Awardee sa parehas na taon dahil sa kanyang ginagawang math videos na nakakatulong sa mga kabataan.

Lovelife hugot ni Francine Diaz: Never pa akong naligawan, I think nabola lang…yung mga pa-fall!

KD Estrada sa tunay na relasyon nila ni Alexa Ilacad: We’re partners and we trust each other

Read more...