Tuesday Vargas ipinagtanggol si Kakai matapos sabihan ni Rendon Labador ng, ‘Hindi ka na nga maganda mukha ka pang pera’

Kakai Bautista basag na basag kay Rendon Labador: 'Hindi ka na nga maganda mukha ka pang pera'

Rendon Labador at Kakai Bautista

TO the rescue ang singer na si Tuesday Vargas kay Kakai Bautista na nilait ng social media influencer na si Rendon Labador.

Nag-react kasi si Rendon sa recent statement ni Kakai na mas gusto niya ng pera kaysa lalaki.

“Hindi ka na nga maganda mukha ka pang pera”. ‘Yan ang walang kagatol-gatol na sabi ni Rendon.

With that, Tuesday felt na dapat niyang ipagtanggol ang kanyang kaibigan laban kay Rendon. At ginawa niya ito sa kanyang Facebook account.


“AYAN KA NANAMAN.

“Usapang Ganda at Pera.

“Aba hindi pa po pala siya tapos. Akala namin tumahimik na ng ilang linggo kaya wala na pong iba pang hirit. Pero ayan na naman siya.

“Hindi ka na nga maganda, mukha ka pang pera”. “Yan po ang huling binato,” panimula ni Tuesday.

“Sa tingin ko ganito yan:

“1. Naging normal na batian sa mga Pinoy gatherings ang tanong ‘May asawa ka na ba?’

Baka Bet Mo: Tuesday Vargas inulan ng pamba-bash, road manager ng love team na ‘nang-snob’ sa kanya nag-sorry

“Ka dikit yan ng ‘Huy tumaba ka ah’ saka yung classic na ‘Alam mo ba ang anak ni ____ nurse sa America. Ang yaman na nila! Ikaw ba anong work mo? Magkano swelduhan dyan?’

“Ito yung mga kailangan na nating ihinto na sinasabi natin sa mga kakilala natin kapag nagkakamustahan. Hindi pare parehas ang timeline ng lahat ng tao. Yung iba ay walang balak magpamilya, yung iba naman ay gusto pribado lang ang kanilang mga careers.

“Let us normalize minding our own business and reserve judgement on the decision making capacity of everyone we talk to.


“Kaya kung walang jowa, gusto career muna- DAPAT WALA KANG PAKI ALAM DOON.

“2. Money is energy. Hindi masama i seek ang energy na ito lalo na kung ang pinag lalaanan mo nito ay mga taong mahal mo sa buhay. Hindi lahat pinanganak na financially secure. So respect other people’s hustle. Basta marangal, pinaghihirapan nila at walang naapakan, again dapat: WALA KANG PAKI ALAM DOON.

“3. Ang ganda ay very subjective.
Iba iba tayo ng concept ng beauty.
“Kung maka sabi na panget yung kinokomentuhan akala mo naman napaka nuknukan nya ng gwapo.

“Kung hindi siya nag fa fall sa standards mo ng beauty, hindi ikaw ang nag set set ng bara paalala ko lang.

“Alam mo ang daming tao na hindi conventionally beautiful but in my eyes, there is a spark in everyone that we can see where their beauty resides. Para sa akin, lahat may angking ganda. At kung pakiramdam ng tao na she is the sh*t, again: WALA KA DAPAT PAKI ALAM DOON.

“Lagi lagi akong naapektuhan kapag nababasa ko ang mga panlalait na ganito, madalas kasi malapit sa akin ang tinitira.

“Punto ko lamang hindi lang para sa kanya kung hindi para sa lahat na rin ng nakaka basa:

“Minding your own business, at its heart, is focusing on what you can control and letting go of what you can’t. It is taking responsibility for your own thoughts and actions, and letting other people take responsibility for their own thoughts and actions.

“So often we try to control other people, control the world around us, and basically control everything and everyone but ourselves. RENDAHAN MO ANG SARILI MO.

“Iyan lang ang tanging bagay na pwede mong ma i ambag sa mundo.”

‘Yan ang mahabang aria ni Tuesday. Naku, tiyak may resbak pa rin si Rendon dito. Abangan na lang natin.

Tuesday todo-tanggol kay Bitoy matapos tawaging laos ni Rendon Labador: ‘Hindi ko masikmura na binastos ang iginagalang kong artista’

Kakai: Walang pera-pera ngayon, walang fame, walang everything…we are powerless

Read more...