Marian umaming nangangapa sa muling pagsabak sa teleserye makalipas ang 4 na taon, inasar-asar ni Gabby: ‘Ito ha, totoo na ‘to ha!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Marian Rivera at Gabby Concepcion
AMINADO ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na nangangapa siya sa pagbabalik niya sa shooting para sa kanyang comeback series sa GMA 7.
Makalipas ang apat na taong pamamahinga sa pag-arte, muli ngang sasabak sa aktingan ang wifey ni Dingdong Dantes kung saan makakatambal niya ang Ultimate Leading Man na si Gabby Concepcion.
Kahapon, June 6, nagsama-sama na ang mga bibida at supporting cast ng naturang serye para sa kanilang story conference.
“Mixed emotions ako, e kasi after four years magbabalik ako sa primetime. So medyo mangangapa ako sa lahat ng mga gagawin ko rito sa taping,” ayon kay Yanyan sa panayam ng GMA Network.
Bukod kay Gabby, ilan pa sa mga makakasama ni Marian sa bago niyang teleserye ay sina Max Collins, Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Kiray Celis, Buboy Villar, Tart Carlos, Caitlyn Stave, Josh Ford at marami pang iba.
Sa panayam naman ng “24 Oras” kay Marian, super excited na raw siyang makatrabaho ang mga dati na niyang nakasama sa kanyang past projects pati na ang mga first time niyang makaka-work.
“Very excited and then ‘yung casting, kaunti lang ‘yung nakatrabaho ko before. Siguro dahil sa four years akong hindi nagtrabaho.
“So ang daming mukha na bago para sa akin. Looking forward ako na makatrabaho sila. Looking forward ako sa aming first day kung ano mangyayari sa amin,” aniya pa.
Kuwento pa ni Marian, niloloko nga raw siya ni Gabby nang magkita uli sila, “’Yun nga agad ‘yung bungad niya sa akin. ‘Ito ha, totoo na ‘to ha.’ So inaasar na niya ako. Sabi ko, ‘Totoo na talaga.’ Ito na, game na.”
Siyempre, super excited na rin si Gabby na makatrabaho si Marian at ang iba pa nilang co-stars, “I get excited kapag nalaman kong mayroon akong makakatrabahong mga bago sa GMA because it’s unknown.
“‘Yun ‘yung maganda e, ‘yung mystery so bago mga kasama mo, mami-meet mo, makakatrabaho mo. It’s exciting to be with all of them,” sabi pa ng aktor.
Sa panayam pa rin ng GMA, siniguro ni Max Collins na ibang-iba naman ang ipakikita niya sa bago niyang project bukod pa sa ito ang unang pagkakataon na gaganap siyang kontrabida.
“Iba ito from anything I’ve done before because this is going to be my first time playing a kontrabida sa teleserye and it’s something that I’m looking forward to.
“Because challenging siya for me and at the same time fun because it’s nice to not cry all the time. So it’s going to be a little lighter for me on that aspect,” chika ni Max.