Jane de Leon super happy sa engagement ng ina: Teenager yarn?

Jane de Leon super happy sa engagement ng ina: Teenager yarn?
LABIS ang kasiyahan ng aktres na si Jane de Leon para sa kanyang inang happily engaged na ngayon.

Sa kanyang Instagram page ay ibinandera niya ang mga larawan na kuha sa surprise engagement proposal para sa kanyang ina na si Maricor Benitez-de Leon.

“Kapag masaya ka mama, masaya na rin ako,” panimula ni Jane.

Aniya, talagang super effort sila sa pagtatago at pagpaplano ng surprise para maging successful ang naturang proposal sa kanyang ina.

“Grabe yung effort and pagtatago namin para lang maging successful yung proposal hahaha because it was our first time to plan something special. Akala namin hindi na mangyayari pero it happened,” kuwento pa ni Jane.

 

Baka Bet Mo: Nanay ni Jane de Leon naaksidente, humiling ng dasal sa madlang pipol: ‘It breaks my heart to see her in this situation…’

At kahit tapos na nga ang proposal ay hindi pa rin siya makapaniwala at pabirong inasar ang ina.

“Parang bagets pa rin mama ko. Teenager yarn? Love you mom! Happy for the both of you,” asar pa ni Jane.

Nagbilin naman ang aktres sa kanyang future stepfather.

“Tito Cesar please take care of our mom… She’s priceless and irreplaceable,” sey ni Jane.

Marami naman sa mga celebrity friends ng aktres ang nagpaabot ng kanilang congratulatory messages para sa kanyang ina.

“Congrats tita!! Mag pagames ka na! Celebrate na tayuuu!” saad ni Kim Rodriguez.

Sey naman ni Joj Agpangan, “Tita omg I’m so happy for you !!! @hearty0926 [heart emoji] congratulations.”

Sa ngayon ay ini-enjoy ni Jane ang kanyang bakasyon kasama ang ina.

Related Chika:
Jane de Leon mahirap raw katrabaho kaya wala pang project, how true?

Jane de Leon may 3 aktor na naging dyowa: ‘Lahat secret, wala talagang nakaalam kahit sa mga friends ko’

Read more...