Joey de Leon pinanood ang bagong ‘Eat Bulaga’: Sinungaling ko naman kung sabihin kong hindi ko nasilip

Joey de Leon pinanood ang bagong 'Eat Bulaga': Sinungaling ko naman kung sabihin kong hindi ko nasilip

AMINADO ang TV host at komedyanteng si Joey de Leon na minsan niyang pinanood ang kasalukuyang “Eat Bulaga”.

Sa kanyang panayam kay Julius Babao na mapapanood sa YouTube channel ng huli, sinabi niyang napanood nito ang mga bagong hosts ng naturang programa.

“Oo sumilip ako siyempre, nakita ko,” diretsahang sagot ni Joey.

Nang tanungin siya kung ano ang masasabi niya sa mga hosts na pumalit sa kanya ay pinili niyang huwag itong sagutin dahil unfair” ito para sa mga bago.

“Sinungaling ko naman kung sabihin kong hindi ko nasilip. Nasilip ko kasi sanay akong manood ng Showtime, lahat, ng TV. Wala akong masamang komentaryo. Nagtatrabaho ‘yung mga tao,” sey ni Joey.

Aniya, ang hindi niya inakala ay ang magiging dagsa ng puna ng mga Dabarkads lalo na sa social media.

Baka Bet Mo: Lolit Solis naaawa kay Joey de Leon; Bossing Vic natutulala tuwing sasapit ang tanghalian

“‘Yun nga lang siyempre, hindi ko akalain yung puna ng iba. Ang daming… ‘Yung nauso yung social media, lahat ang daming nagkokomentaryo ‘di ba? Labas na ako ‘dun,” lahad pa niya.

Nang hingan naman si Joey ng kanyang advice para sa mga baguhan sa pagho-host ay sinabi nitong hindi siya magaling magpayo at sa pagbibiro lang siya magaling.

Aniya wala naman daw specific na formula o sikreto para tumagal sa isang show.

“Magbiruan kayo. Sabay kayong kumain. Sabay kayong magbyahe. Bihira naman mangyari ‘yun kasi may pamilya na lahat. Sabay kayong sumunod sa uso. ‘Yan ‘yung importante. Huwag lng yung masasamang uso. Wala naman talagang sikreto dyan,” saad ni Joey.

Samantala, nabanggit naman ni Joey na malapit na ang paghuhukom kung saan malalaman nila kung magagamit pa nila ang “Eat Bulaga” na siya naman talaga ang nag-isip.

“Nasa batas ‘yan Jules. Nakasulat e, Kung sino ang nakaisip, sa kanya ‘yan. Until his death, plus 50 years after his death demise,” sabi niya.

Hirit naman niya, “Salamat po at pagpalain tayo. Hindi lang kayo, hindi lang kami, kundi tayong lahat. Masaya at malinaw pang pag-iisip hangga’t maaari para mapanood pa ninyo ang aming palabas. Hindi ko pa masabi ang bagong title dahil hindi pa tayo sigurado pero kahit ano pang pangalan n’yan, sana po ay tangkilikin n’yo pa rin kami.”

Related Chika:
Joey de Leon umiyak habang nakikipag-usap sa advertiser ng ‘Eat Bulaga’: ‘Rejection is God’s redirection’

Vice Ganda super happy sa kanyang kaarawan, binati ni Joey de Leon at iba pang ‘Eat Bulaga’ hosts

Read more...