Mavy umaming super protective si Carmina pagdating sa babae, wala pang label ang relasyon kay Kyline: ‘We definitely have something special’

Mavy umaming super protective si Carmina pagdating sa babae, wala pang label ang relasyon kay Kyline: 'We definitely have something special'

Mavy Legaspi at Kyline Alcantara

HINDI pa rin madiretso ng Kapuso actor at TV host na si Mavy Legaspi ang kanyang sagot kapag tinatanong kung may label na ba ang relasyon nila ni Kyline Alcantara.

Paliguy-ligoy pa rin ang naging tugon ng anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi nang muling matanong ng ilang members ng press ang tungkol sa real score sa kanila ni Kyline.

Nakachikahan namin at ng iba pang miyembro ng entertainment media ang binata sa naganap na presscon ng bagong project nila ni Kyline nitong nagdaang Huwebes, ang “LUV IS: Love at First Read”.


Dito nga natanong si Mavy kung ano na ba talaga ang status nila ni Kyline, “We definitely have something special. We’re in the more personal and of getting close to her… ‘yung family niya and with my family.

“Knowing my mom, matagal na proseso ‘yon. Very protective siya sa akin pagdating sa babae pero she’s very open, she’s very willing…

“Dahil nakikita niya naman sa anak niya, which is me, na kaya kong ibalanse ‘yung trabaho, ‘yung pagmamahal and ‘yung time para sa sarili ko at ‘yung time para sa  kanila,” pahayag ng aktor.

Baka Bet Mo: Mavy, Kyline magtatambal sa ‘I Left My Heart in Sorsogon’; ex-Hashtag member Kapuso na rin

Sa episode naman ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Wednesday, inamin ni Mavy na kapag napag-uusapan ang tungkol sa “love”, ang agad na naiisip niya ay si Kyline.

Kasabay nito, sinabi nga niya kay Tito Boy na super in love siya ngayon, sa katunayan, inilarawan pa niyang “My world” si Kyline.

Sabi pa ni Mavy, totoong overprotective rin siya kay Kyline at gagawin daw niya ang lahat para sa ikaliligaya ng kanyang ka-loveteam.


Nag-explain naman si Mavy kung bakit three out of 10 ang sagot niya sa pagiging ‘istrikto” pagdating sa pananamit ni Kyline.

“She’s free to wear anything she wants, but for example, mini skirt, I always just remind her na you can wear cycling shorts.

“She has instances where she’s a very clumsy woman, and I love that about her, but just for safety, that’s it,” paliwanag niya.

Samantala, mapapanood na ang upcoming romantic series nina Mavy at Kyline na “LUV IS: Love at First Read” simula sa June 12, 5:40 p.m. bago mag- “24 Oras”.

Ito ang pansamantalang papalit sa “Family Feud” ni Dingdong Dantes habang naka-season break ang trending at hit game show ng GMA 7.

Kyline may 3 espesyal na katangian na bet na bet ni Mavy; Mikael, Megan may ipakikilalang beauty queen sa ‘The Best Ka’

Mavy gumawa ng tula at kanta para kay Kyline; Bea kilig na kilig

Read more...