Dingdong sa mga babaeng contestant na ‘lumalandi’ sa kanya sa Family Feud: ‘Hindi ko naman napapansin, basta ang gusto ko manalo sila’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Marian Rivera at Dingdong Dantes
TRAILER pa lang ng upcoming primetime series ng GMA na “Royal Blood” ay bentang-benta na sa mga Kapuso viewers kaya naman abangers na sila sa pagsisimula nito sa June 19.
Ito’y pinagbibidahan ni Dingdong Dantes kasama sina Rhian Ramos, Rabiya Mateo, Tirso Cruz III, Megan Young, Mikael Daez at marami pang iba.
Naka-season break ngayon ang game show ni Dingdong sa GMA na “Family Feud” pero hindi pa rin tuluyang mapapahinga ang Kapuso Primetime King dahil bukod nga sa “Royal Blood” at siya rin ang magiging host ng “The Voice Generations” idagdag pa ang isu-shoot niyang bagong movie.
Aminado si Dong na super na-miss niya ang pag-arte, “Sa Family Feud kasi, para sa akin, isa rin siyang in a way performance siya, pero I get to become myself, dahil marami akong nakikilala every episode.
“Yung banter ko ay totoo, hindi siya scripted na nai-enjoy ko lang talaga. Pero at the same time, habang naka-pause yun, may kakaibang fulfillment din na maibibigay ang pag-arte.
“May fulfillment din ang hosting, that’s for sure. Pero meron din ito, and I think yung mga ganu’ng hinahanap ng isang artist ay kailangang napupunan parati. And I think this will definitely fill that up,” sabi ni Dong nang makachikahan ng ilang members ng press pagkatapos ng grand mediacon ng “Royal Blood.”
Mismong si Dingdong daw ang nakaisip ng tema at konsepto ng “Royal Blood” na isang suspense crime-drama series na iikot sa paghahanap kung sino talaga ang pumatay sa karakter ni Tirso na si Gustavo Royales.
“Yung konsepto kasi in itself very exciting and para sa akin, I wake up everyday, very excited to go on set. Kasi kahit kami sa taping hindi alam kung sino talaga yung pumatay, e. So lahat kami, parati kami nanghuhula yan.
“Even us actors, we are always very, very excited to work out this material,” pahayag ni Dingdong.
Samantala, natanong din si Dingdong tungkol sa mga female contestants ng “Family Feud” na lantarang nagpapakita ng kilig sa kanya. Yung iba pa nga’y hindi nakakapagpigil na yakapin siya.
“Hindi ko naman napapansin, e. Basta nag-e-enjoy kami, e. Basta ako, gusto ko silang manalo. Yun yung motibo ko, manalo kayo, o di ba? Dahil pag nanalo kayo, mas masaya.
Samantala, pinag-usapan naman daw nila ng wifey niyang si Marian Rivera ang sabay nilang pagtatrabaho at kung paano ang magiging adjustment nila sa pag-aalaga sa kanilang dalawang anak na sina Zia at Sixto.
Babalik na rin kasi si Marian sa paggawa ng teleserye at nakatakda nang magsimula ang shooting nila ni Gabby Concepcion.
“Oo, alam mo si Marian, mag-umpisa na rin sa soap. Ang mangyari, salitan kami. Pag-uwi ko, siya naman. Ganu’n yun, e. Salitan kami sa schedule. Konting tiis lang.
“Nagkataon lang na ngayon, bumuhos kasi nung pandemic lahat ng mga ito, mga commitments, from years back.
“So, kailangan lang din namin… for film din, no? Of course, I think nakapahinga naman kami nang maayos para may energy kami to take on these roles,” sabi ni Dingdong.
“Siyempre, puwede na silang maiwan kahit paano ngayon. So, mas maluwag na para sa amin na gawin ito. Siguro kung nangyari ito last year, baka hindi pa. So, sakto,” chika pa ni Dong.
Ayon pa sa award-winning Kapuso actor, hindi siya sure kung talagang naiintindihan na nina Zia at Sixto kung bakit kailangang mawala sila sa bahay nang matagal at hindi na sila masyadong nagkakasama-sama.
“Alam mo, sinasabi lang nila yun pero pag nangyayari na, hindi talaga natin alam, di ba? Kasi, first time sa kanila yun na mawawala kami ng ganung katagal na ‘anong nangyayari sa inyo? Saan kayo pupunta?’
“Parati naman namin sinasabi sa mga anak namin na ang ginagawa namin is something that we’re very proud of. Kung mapanood niyo ito in the future, at least you know na talagang yung dedication namin sa craft na ito ay matindi.
“In fact, minsan may sacrifices kaming ginagawa. Pero ang lahat naman ng ito ay para sa inyo. So, dito maintindihan nila yan. Right now, medyo vague pa sa kanila kung ano talaga yung ginagawa namin in front of the camera,” aniya pa.