Rhian Ramos umaming 2 years nang kasama sa bahay si Michelle Dee, ‘Wifey at Hon’ ang tawagan: ‘Oh my God! Parang mag-asawa na tayo!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Rhian Ramos ất Michelle Dê
“WIFEY” at “Honey” ang tawagan ng mag-BFF na sina Rhian Ramos at Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee at totoong sa iisang bahay lang sila nakatira ngayon.
Iyan ang dahilan kung bakit may mga chikang matagal na raw magdyowa ang dalawang Kapuso stars at itinatago lang daw nila sa publiko ang katotohanan.
Sa naganap na presscon ng pinakabagong primetime series ng GMA 7 na “Royal Blood” kung saan isa si Rhian sa mga cast members, tawa nang tawa ang dalaga nang matanong nga siya tungkol sa tsismis na magdyowa sila ni Michelle Dee.
Ayon kay Rhian, two years na silang nagsasama sa iisang bubong ng Kapuso actress at beauty queen pero walang katotohanan ang tsismis na may relasyon sila.
“Actually even before pa naman, starting two years ago, marami na kaming shippers, marami nang nagta-tag sa aming dalawa, nae-edit ‘yung mga videos namin with very romantic music and everything.
“We’ve always found it funny and cute, because ayun nga dahil sa totoong buhay, because we live together, it’s like ‘Oh my God, parang mag-asawa na tayo,’ parang ganu’n.
“That’s why wifey nga and honey ang aming tawagan. But yeah, I’m sorry to disappoint everyone, hanggang ship na lang talaga ‘yan. But she’s a wonderful girl and I’m just happy that everyone is tagging us and supporting her,” paliwanag ni Rhian.
Wala rin daw siyang fear na baka maapektuhan ang kanyang image at showbiz career sa mga malilisyosong tsismis sa kanila ni Michelle.
“Hindi naman ako nag-worry. Siguro sanay na rin ako that people have misconceptions all the time and it doesn’t really bother me.
“I think it’s just as long as the people that I’m very close to know who I am then I don’t really worry.
“Parang normal naman sa showbiz to have misconceptions and besides I already did a show where mag-partner kami ni Glaiza (de Castro) sa ‘Rich Man’s Daughter’ so even if I never met Michelle, pinaghihinalaan na ako so I’m okay,” paliwanag ni Rhian.
Magsisimula na ang “Royal Blood” sa June 19 sa GMA Telebabad na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Rabiya Matteo, Megan Young, Mikael Daez, Tirso Cruz III at marami pang iba. Ito’y mula sa direksyon ni Dominic Zapata.