Rabiya umaming 1 week lang tumagal ang hiwalayan nila ni Jeric, grabe ring magregalo: ‘Babaeng bakla talaga ‘ko! Namimigay din tayo ng support!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Rabia Mateo at Jeric Gonzales
ISANG linggo lang palang naghiwalay ang Kapuso celebrity couple na si Rabiya Mateo at Jeric Gonzales at pagkatapos nito ay nagkabalikan din.
Nakachikahan namin ang Kapuso actress at beauty queen kasama ang colleague at kaibigan nating si Rommel Gonzales sa naganap na grand mediacon ng latest GMA series na “Royal Blood” kung saan gaganap siyan leading lady ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Sa pagkakaalam ni Rabiya, one year and six months na silang magdyowa ni Jeric at kasama na riyan yung one week na hiwalayan nila.
“Nag-break po kami ni Jeric, siguro mga one week lang, parang wala lang. Parang nag-away lang kami na nagkatampuhan. But because we’re in showbiz, parang everything was blown out of proportion.
“So, nu’ng nagkaayos na kami, saka palang lumabas yung article na break na kami, this and that,” pahayag ni Rabiya.
“So, nag-usap na kami na, ‘okay, panindigan na lang muna natin ‘to,’ because we don’t want to confuse the public and have them say na, ‘ano ba, gimmick ba nila ‘to?!?’
“Tapos, n’ung naging private kami, we fixed yung mga bagay na kailangan naming ayusin,” pagbabahagi ng Kapuso actress at TV host.
Ayon kay Rabiya, after nilang mag-break ng one week ay marami silang realizations ni Jeric na mas lalong nagpatibay sa kanilang relasyon.
“We had to build each other’s trust ulit. We really need to be honest with each other. And during that time na akala ng tao wala na kami, we were building on something.
“Ako po kasi, that time nung wala na, I was looking forward to move on with my life because may trabaho po ako, may pamilya akong kailangang pakainin.
“So, nu’ng bumalik, parang I prayed for it. Parang, sabi ko Lord, it’s gonna be a tough love, it’s gonna be full of challenges, pero kung ito yung taong ibibigay mo sa akin, let me know.
“And then, nagsimba po ako noon and during that time, I know it’s kinda cheesy pero yung service is to love unconditional. You don’t love somebody because…I love you because, ganu’n. Pero yung totoong pagmamahal is that, I love you even if,” sabi pa ni Rabiya.
Botong-boto rin daw kay Jeric ang nanay niya, “She likes Jeric, kasi Jeric is very kind po talaga. Jeric is respectful, nakikita ni Mama kung paano ako alagaan ni Jeric. Like, simple lang, like hatid-sundo.
“Kahit pagod siya, he makes sure na safe ako. So malaking bagay yun para sa nanay ko, kasi mag-isa lang ako sa Manila,” sabi pa ng dalaga.
Dagdag pa ni Rabiya, “Ang alam ko, gusto ako ng nanay niya. Palagi kami magkasama ni Nanay sa condo niya. Gusto ako ng pamilya niya, sila naman yung importante.
“Kasi, same goes din naman with Jeric. I have friends, he’s aware of that, who don’t like him for me.
“Pero yung naging pattern namin is that, if that person would go between us, instead na sinusuportahan yung happiness natin, then hindi natin sila kaibigan or they’re not for us,” pagbabahagi pa ng beauty queen.
Samantala, naging bukas din si Rabiya sa mga isyu nila ni Jeric sa personal nilang buhay, “Sabi ko nga sa kanya, we all have traumas from our past, like I have a lot of skeletons na I don’t want the public to know. Pero we’re each other’s safe space.
“Hindi siya judgmental na tao. Like, marami kasi tayong naririnig from showbiz na, ‘O, si ganito, ganyan, ganito, ganyan.’ Pero siya, never siya sa akin nag-bad mouth ng any artista.
“So parang, du’n ko masasabing mabuti talaga siya. I didn’t come from a perfect relationship din po. I have a lot of flaws bilang tao, bilang babae.
“Pero I was able to open up myself, and siguro, minsan may mga bagay tayong tinatago not because we want to lie to that person, but we’re afraid of judgment. So, yun yung sinabi ko kay Jeric, na I’m your safe ,” chika pa ni Rabiya.
Natatawa namang chika ni Rabiya, hinihigitan daw niya si Jeric pagdating sa pagreregalo, “Romantic siya. He’s also a good provider. Si Jeric, napi-feel ko, even though he’s struggling, kung ano mang meron siya, ibibigay niya for us.”
Hirit pa niya, “Ay, babaeng bakla po talaga ako! Namimigay din tayo ng support! Yes! Baka mas bakla pa po ako sa inyo.’
“Pero I don’t feel na it’s a bad thing. Kasi I can provide naman. I have job, I can provide. I’m gonna spoil my man, di ba? Ganu’n tayo. Lahat naman ng boyfriend ko naging galante naman, basta meron lang.
“Pero may ugali kasi ako na if he’s gonna give me this one, parang yung kapag babaeng bakla ko na kailangan ko higitan. Ay! Binigyan ako ng ganito, bigyan natin ng sapatos! Ha-hahahaha!” ani Rabiya.