Iya Villania 2 lang talaga ang gustong maging anak matapos isilang si Primo: ‘I realized that mothering is hard, I was so exhausted’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Drew Arellano, Iya Villania kasama ang 4 na anak
PINUSUAN ng mga netizens ang pa-throwback post ng Kapuso actress at TV host na si Iya Villania tungkol sa naging karanasan niya noong isilang ang panganay na anak nila ni Drew Arellano.
Aliw na aliw ang mga social media followers ni Iya sa ibinahagi niyang litrato na kuha noong ipanganak niya si Antonio Primo noong 2016.
Sabi ni Iya, dito niya raw talaga napatunayan kung gaano mahirap ang maging isang nanay dahil feeling niya ay palagi siyang pagod at “exhausted”.
“2016. Back when we just had Primo and realized that mothering is hard. I was so exhausted, ang bahagi ng caption ni Iya sa kanyang IG post.
Chika pa ng wifey ni Drew, pagkapanganak niya kay Primo, naisip niya na hanggang dalawa lang sana ang maging anak nila ni Drew.
“I knew I wanted to have a lot of kids but after having Primo I was settling with the idea of just having 2 here. I’m so glad it was just a phase,” chika pa ni Iya.
Apat na ang anak ng Kapuso celebrity couple — sina Antonio Primo, Alonzo Leon, Alana Lauren at Astro Phoenix. At mukhang balak pa nila itong dagdagan base sa isa nilang IG post.
“Do you think we need one more? Alright, we’ll get one more,” ang isa pang post ng mag-asawa na game na game pa ring mag-anak uli.
Sa isang panayam, tila gusto pa talaga ni Iya na madagdagan pa ang apat na anak nila ni Drew, “Nandito na nga ako ulit sa stage na ang cute nila masyado, dagdagan pa natin?”
“Ang saya lang kasi dito sa bahay especially now that…si Drew kasi nawala siya ng isang buwan, so now that he’s back, feel na feel mo yung how they missed Drew. And si Drew naman, sobra siyang naaaliw, in the one month that he was away, how much Astro has grown. Ang saya lang.
“I know that some people think apat na ang anak, ‘Paano? Posible ba iyon? Hindi ba medyo riot iyon?’ But you know what, honestly, it was really hectic in the first two to three years of a child.
“Si Primo at si Leon ngayon, sobra na silang dali na i-handle. I don’t even include them when I think about riot dito sa bahay. Kapag nagkaka-riot, puwede ko na silang pagsabihan.
“Si Alana at si Astor, dahil sila yung dalawang maliit ko, sila pa yung dalawang kailangan tutukan. Siyempre, hindi pa sila nakakaintindi so sila yung mas matrabaho,” chika ni Iya.