Fans nina Julie Anne at Jolina nagbardagulan, sino nga ba ang karapat-dapat tawaging ‘Pop Icon’?

Fans nina Julie Anne at Jolina nagbardagulan, sino nga ba ang karapat-dapat na tawaging 'Pop Icon'?

Julie Anne San Jose at Jolina Magdangal

NAKAKALOKA! Nag-aaway-away ngayon ang mga fans at supporters nina Julie Anne San Jose at Jolina Magdangal dahil lamang sa titulong “Pop Icon.”

Nabasa namin ang pagbabardagulan ng mga tagasuporta ng tinaguriang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne at ni Jolens sa Twitter na nagtatalu-talo nga tungkol sa kung sino ang mas may karapatang tawaging “Pop Icon.”

Hindi kasi nagustuhan ng mga loyal fans ni Jolina ang pagpapakilala kay Julie Anne na “Pop Icon” bilang isa sa mga coach ng “The Voice Generations” na mapapanood na very soon sa GMA 7.

Ang sabi ng supporters ni Jolens, wala pa raw masyadong napapatunayan si Julie Anne para tawaging Pop Icon hindi tulad ng kanilang idolo na marami nang napatunayan para magmarka sa showbiz industry.


Si Jolina nga raw ang masasabing original Multimedia Star dahil bukod sa mga blockbuster movies na nagawa niya noong kasagsagan ng kanyang kasikatan noon, marami rin siyang pinagbidahang teleserye at pinasikat na kanta.

“Uy, may karapatan naman din si Julie Anne maging Pop Icon, marami na rin naman siyang napatunayan. Okay rin naman siya aktingan like sa MCAI.”

“Let’s stop living in the past. Here are the receipts. Now who’s more successful and who’s long overdue?”

Baka Bet Mo: Heart umaming certified Jolina fan; may branded bag na isa sa pinakamahal sa buong mundo

“Jolina Magdangal is one of the best-selling artists, most successful multimedia artists & influential figure in pop culture.”

“It is safe to say that Jolina became relevant AGAIN because of Julie Anne. Well, that’s the power of Asia’s Limitless Star! She’s indeed a true POP ICON of the century.”

“Sa ambag niya sa industriyang ito, hindi na kailangan patunayan kung bakit isang pop icon ang nag-iisang JOLINA MAGDANGAL.”

“I remember every girl kid/teen trying to imitate what Jolina is wearing if seen on TV. Remember those hats? those butterfly hair thingies? That’s what made me crush hard on my elementary classmates. I don’t see Julie having the same impact.”


“Nakakaawa din naman si Japs. Na-bash nang husto kahit hindi naman sa kaniya galing yung tawagin siyang pop icon. Nag-resort pa sa ad hominem yung iba. On the other hand, maling-mali naman kasi yung ibang fans niya na binastos ang isang Jolina Magdangal. Respeto na lang sana.”

“Jolina’s big move to GMA was a total FLOP due to her old-fashioned image and vibe! UNSUITED for MODERN TV, particularly at GMA where HOTTER stars with STRONGER mass appeal swallowed her up. Jolina couldn’t keep up with the trend! Hahaha.”

“Tagal tagal na nyang naka tambay sa ABS di nmn sya pinag uusapan kahit sa Magandang Buhay, si Melai at Karla lagi trending dun lol isa syang malaking design.”

“90s era pa to beh. Hindi siya kilala ng Gen Zs at younger millennials. Wala akong alam sa mga kanta niya kasi maybe hindi ko naabutan. She’s a POP Icon but not to my generation. Wag kayo mag-invalidate ng success ng mga new pop singers. Sila ang may relevance sa new gen now.”

“Tapos na kasi yung panahon ni Jolina. She reached her prime decades ago, ngayon kalma na sya. di sya kailngan pagusapan para maging relevant, napatunayan nya na yun nung 90s, nung mga panahon na nasa crib pa si Julie Anne.”

“I know about it 90s was her prime I never disregard that. Pero ang ginagawa kasi ng kapamilya parang ginagamit nila kasikatan ni Julie Anne, susumbat mga achievement ni Jolens para mahila si Julie pababa.”

Yan ang ilan sa mga nabasa naming comments ng mga Twitter users tungkol sa nasabing isyu. Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksiyon sina Jolens at Julie Anne.

Jolina proud na proud sa ‘friendship’ nila ni Judy Ann: ‘Sobrang masaya ako sa mga achievements mo!’

Jolina Magdangal may espesyal na birthday greeting kay Darren Espanto, pinabulaan ang mga ‘chika’ ukol sa singer

Read more...