Hirit ni Vice kinonek ng netizens sa isyu ng ‘Eat Bulaga’: ‘If you listen to the madlang pipol, you will never go wrong…’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Vice Ganda, Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon
MARAMING naglagay ng malisya sa mga naging pahayag ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa nakaraang episode ng “It’s Showtime.”
Pinagpiyestahan ng mga Marites all over the universe, ang mga naging hirit ng TV host-comedian sa “Rampanalo” segment ng Kapamilya noontime show last Thursday, June 8.
Usap-usapan ngayon ang ilang hirit ni Vice na ikinokonek ng mga netizens sa kontrobersyang kinasasangkutan ng “Eat Bulaga” at ng TAPE incorporated.
Sa Twitter namin nakita ang mga naging hugot ni Vice habang naglalaro ang isang contestant kung saan palaging “Rampa” ang pinipili nito sa pagkakasunud-sunod ng kahon na pinapahulaan sa kanya.
Kinontra siya ng madlang pipol na nagsisigawan ng “Rampalit” na ang ibig sabihin ay baguhin niya ang kanyang desisyon, hanggang sa magkomento na nga si Vice.
“Ang tigas ng ulo mo. Pinapuputok mo ang panubigan ko, nanggigigil ako sa ‘yo,” ang hirit ni Vice na sinabihan din ang contestant na rampalit ang piliin.
Pero nagmatigas pa rin ang contestant sa kanyang hula kaya ang sey sa kanya ni Vice, “Sige, matigas ang ulo mo… buksan mo ‘yan!”
Nang buksan ang kahon, P20,000 ang laman kaya ang natira sa pera niya ay P28k na lang. At para sa dalawang huling kahon, tinanong uli siya kung rampa o rampalit.
This time, humingi na siya ng payo kay Vice, ang sagot sa kanya ng komedyante, “Hayaan mo siya, matigas ang ulo eh. Hayaan mong mapahamak.
“Binigyan ng idea, hindi pa nakinig. Panindigan mo ‘yan. Sa panahon na ‘to, ang daming taong may maling desisyon,” sabi ni Vice kasunod ang hiyawan ng madlang pipol at ng mga hosts.
Sey pa niya, “Sige, sige huwag kayong makinig sa madlang pipol. Ayaw ninyong makinig sa madlang pipol ha? Panindigan mo.”
At nang buksan ang kahon na hawak ni Ogie, divided by 10 ang lumabas kaya P2,800 na lang ang natirang pera sa kanya. Kaya sabi ni Vice, “Hayan, hindi ka nakinig sa madlang pipol.”
Ang ending, rampalit na ang pinili ng contestant kaya tinanong ni Amy Perez si Vice kung agree na siya sa sagot ng contestant.
“At least, habang hindi pa huli ang lahat, nakinig ka sa madlang pipol. Kultura natin sa Showtime ‘yan eh. We always listen to the madlang pipol, ‘di ba?
“If you listen to the madlang pipol, you will never go wrong. Because the madlang pipol is the heart, the heart that will lead you to the right path,” sagot ni Vice.
“Thank you, madlang pipol,” sey ni Vhong Navarro.
Sagot naman ni Tyang Amy, “Para tuloy-tuloy ang happiness natin.” Na sinang-ayunan nga ni Vice.
Sa ending, ang laman ng kahon ay may times 3 kaya P8,400 ang napanalunan ng contestant.
Sa mga nabasa naming komento, iniugnay ng mga netizens ang pahayag ng komedyante sa nangyari kina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at TAPE na pag-aari ng mga Jalosjos.
Nag-resign ang TVJ at iba pang original Dabarkads sa TAPE at plantsado na ang paglipat nila sa TV5 na inaasahang magsimula na sa first week sa July pero hindi pa sigurado kung magagamit pa nila ang titulong “Eat Bulaga.”