NAALALA niyo pa ba si Fernando Carillo?
Siya ang Venezuelan actor na gumanap bilang “Fernando Jose” sa sikat na 90’s Mexican telenovela na “Rosalinda.”
Nandito siya ngayon sa ating bansa at tila nagkaroon pa siya ng pasabog matapos aminin sa programang “Fast Talk with Toto Boy” na naka-date niya noon ang batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez.
Noong June 8, inusisa ng King of Fast Talk na si Tito Boy kung na-inlove na ba si Fernando sa isang Pilipina.
Sagot naman sa kanya ng foreign actor, “I don’t think I (have fallen) in love [with a Filipina], but I’ve always been attracted to the beauty of the Filipino women.”
“And I’ve met some very beautiful women, and I keep meeting beautiful women,” dagdag pa niya.
Kasunod niyan ay tinanong siya kung nakipag-date na ba ito dati sa isang Pinay at diyan na ibinunyag ng aktor na nakasama niya si Korina.
Baka Bet Mo: Kuya Kim may naka-date na member ng Viva Hotbabes: Inuwi ko pa siya sa nanay at tatay ko!
“It depends on what ‘date’ means, but I went to dinner with a very smart Filipino. Can I say who it was? Or are we going to get in trouble,”chika niya.
Sambit pa niya, “I have huge respect for Korina Sanchez. She’s a good friend, and I respect her very much.”
Naikuwento pa ni Fernando na naganap ang dinner date ng broadcaster noong huli siyang bumisita sa ating bansa, at kasama raw nila ang ilang mga kaibigan.
“We did an amazing interview once upon a time in Miami, and then I came to the Philippines once. And we went to have dinner with some friends. [Maybe that], we can call it a date,” kwento ng aktor.
Saad pa niya, “But she’s a dear friend whom I respect and I admire very much.”
Sa kasalukuyan, happily married na ang veteran broadcaster sa dating senador at Interior Secretary na si Mar Roxas.
Habang si Fernando naman ay kasal na rin sa kapwa actress na si Catherine Fulop.
Para sa mga curious kung bakit nandito sa Pilipinas ang Venezuelan actor, maglulunsad kasi siya ng reality show na naglalayong lumikha ng isang co-ed singing group.
Kung matatandaan, taong 1999 nang ipinalabas ang original telenovela ng “Rosalinda.”
At ‘yan ay nagkaroon ng Philippine adaptation noong 2009 na kung saan ay pinagtambalan ito nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann.
Related Chika: