'Eat Bulaga vs. Eat Bulaga': Posible nga kayang parehong mapanood sa GMA at TV5...o baka mauwi na sa demandahan? | Bandera

‘Eat Bulaga vs. Eat Bulaga’: Posible nga kayang parehong mapanood sa GMA at TV5…o baka mauwi na sa demandahan?

Ervin Santiago |June 08,2023
facebook
share this

‘Eat Bulaga vs. Eat Bulaga’: Posible nga kayang parehong mapanood sa GMA at TV5…o baka mauwi na sa demandahan?

Ervin Santiago - June 08, 2023 - 03:38 PM

Eat Bulaga vs. Eat Bulaga': Posible nga kayang parehong mapanood sa GMA at TV5...o baka mauwi na sa demandahan?

UMABOT nga kaya sa demandahan ang sigalot sa pagitan ng grupo nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ng TAPE Incorporated na pag-aari ng pamilya Jalosjos?

Mas lalo pang umiinit ngayon ang usapin kung sino nga sa dalawang nag-uumpugang bato ang may karapatang gumamit ng titulong “Eat Bulaga”.

Sa paglayas ng TVJ at ng iba pang original Dabarkads sa bakuran ng TAPE, “Eat Bulaga” pa rin ang  ginamit ng producer sa pagpapatuloy ng programa sa GMA 7.

Ngunit ayon sa nasagap naming chika, “Eat Bulaga” pa rin ang gagamiting title nina Tito, Vic & Joey sa paglipat nila sa TV5 dahil sila raw ang nagmamay-ari nito.

Nabanggit ni Tito Sen sa isang panayam na ipaglalaban nila ang titulong “Eat Bulaga” para magamit nila sa TV5 na posibleng magsimula na sa unang linggo ng July.

 

Baka Bet Mo: Tito Sotto inaming wala sa plano ang magpaalam sa TAPE, mga ads sa ‘Eat Bulaga’ nag-pull out na rin?

 

Handa rin daw nilang patunayan na si Joey ang nakaisip nito noong 1979 nang minsan silang magsama-sama at magkainan sa kanilang tahanan noon.

May mga chikang kapag hindi pumayag ang TAPE na bitiwan ang “Eat Bulaga” o ang “Dabarkads” ay hindi malayong mauwi ito sa demandahan.

Sa ngayon, “Eat Bulaga” pa rin ang gamit ng TAPE sa pagpapatuloy ng programa sa GMA 7 with its new hosts Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Kahapon, June 7, ibinandera na ng Mediaquest ang pagsasanib-pwersa nila ng TVJ at ng TV5 para sa gagawing programa ng iconic trio matapos ang pagre-resign nila sa TAPE.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
OK lang kay Bossing Vic kung hindi na mabayaran ng TAPE ang P30-M utang sa kanya: ‘Hindi lahat nadadaan sa pera’

TAPE malungkot sa pag-alis ng TVJ sa ‘Eat Bulaga’: Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending