KD Estrada inaming nililigawan pa rin hanggang ngayon si Alexa Ilacad, hindi nagmamadaling maging magdyowa

KD Estrada inaming nililigawan pa rin ngayon si Alexa Ilacad, hindi nagmamadaling maging magdyowa

KD Estrada at Alexa Ilacad (Photo from Instagram)

NAGKAAMINAN na ang Kapamilya loveteam na sina Alexa Ilacad at KD Estrada sa tunay na “status” ng kanilang relasyon ngayon.

Sa mga naging pahayag ng dalawa kahapon sa isang panayam, mukhang wala ngang katotohanan ang unang kumalat na balitang magdyowa na sila.

Pero ang malinaw at talagang diretsahang inamin ng magka-loveteam on national television ay totoong nasa “ligawan” stage na ang kanilang relasyon.


Sa guesting nina Alexa at KD sa Kapamilya morning talkshow na “Magandang Buhay” nitong Miyekules, June 7, natanong nga ang young actress kung nanliligaw na nga sa kanya ang binata.

Tumingin muna si Alexa kay KD sabay sabing, “I’m assuming, “no?” Na agad namang sinagot ng aktor, “Oo, oo!”

Baka Bet Mo: Alexa Ilacad umamin na kay KD Estrada: I don’t fear the future anymore because I have you with me…

Sa ngayon daw ay patuloy pa rin nilang kinikilala ang isa’t isa at ine-enjoy lang nila kung anuman ang meron sila ngayon. Dagdag pa ni Alexa, hindi rin naman daw sila nagmamadaling pumasok sa seryosohang relasyon.

“Very long time because why the rush?” ang sey ng aktres na sinegundahan naman ni KD ng, “Why rush a good thing?”


Samantala, nabanggit din ni Alexa na botong-boto naman ang kanyang pamilya kay KD kaya wala siyang nakikitang problema sa kanilang relasyon ngayon. Nagtitiwala rin daw ang kanyang magulang sa ka-loveteam.

Matatandaang nagsimulang maging close ang dalawa matapos silang maging celebrity housemates sa “Pinoy Big Brother: Kumunity.”

Abangers na rin ang mga KDLex fans sa upcoming TV series nilang “Pira-Pirasong Paraiso” kasama sina Charlie Dizon, Joseph Marco, Elisse Joson, Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

Alexa Ilacad, KD Estrada sa posibilidad na maging ‘dyowa’: The intent is there

Alexa Ilacad umamin na kay KD Estrada: I don’t fear the future anymore because I have you with me…

Read more...