Juliana Parizcova pak na pak ang gown na inirampa sa ‘sagayla’: ‘Bukod kang pinagpala sa baklang lahat…I’m your tooth fairy’

Juliana Parizcova pak na pak ang gown na inirampa sa 'sagayla': 'Bukod kang pinagpala sa baklang lahat...I’m your tooth fairy'

Juliana Parizcova Segovia

TODO-TODO ang pasasalamat ng komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia kina Sen. Imee Marcos at Direk Darryl Yap.

Bentang-benta at pak na pak sa madlang pipol ang kabogerang gown na isinuot ni Juliana sa naganap na bonggang “sagayla” sa isang barangay sa Malabon kamakailan.

Kung titingnang mabuti ay nagmistulang santo si Juliana sa suot niyang white gown with matching crown na parang kay Virgin Mary at sa mga nananalong beauty queen.

Ang caption ng komedyana sa mga ipinost niyang litrato sa Facebook,  “Bukod kang pinagpala sa baklang lahat…


“I’m your tooth fairy of Grand Bulaklakan in Malabon last night,” aniya pa.

Sa isang bahagi ng kanyang FB status, pinasalamatan niya ang lahat ng mga taong tumulong para magetsing niya ang mala-Birheng awra na siguradong agaw-eksena sa nirampahang “sagayla.”

Nag-thank you din si Juliana kay Sen. Imee Marcos at sa kaibigan niyang direktor na si Darryl Yap dahil daw sa buong-pusong pagsuporta sa kanya.

Baka Bet Mo: Juliana Parizcova Segovia pumalag sa kumakalat na post na ukol sa utang niyang P300k: Hindi ko po ikinakahiya

“And syempre thank you to Senator Imee R. Marcos and Direk Darryl Yap sa pagkunsinti at suporta sa paglalaro ko ng ganda gandahan.

“This is your Queen J saying ‘sa lahat ng nagandahan sakin, salamat, sa lahat ng hindi, mamatay ka sa inggit,’” hirit pa niya.

Nakakaloka rin ang mga reaksyon ng netizens sa pasabog na pictorial ng komedyante. Narito ang ilan.


“Mas lalong sasakit ngipon ko kung Yan Ang tooth fairy haha. magpapabunot talaga ako haha.”

“Kung hindi rin lang kagandahan.. Wag na magmaganda pa. Kakaumay.”

“Mas bagay sayo Queen J, kesa dun sa dati.”

“Nag GLOw UP na si RHIANNA, galing naman.. love love.”

“Our Mother of Per TEETHual Help.”

“Maawaing Maria Juliana bigyan mo kami ng grasya.”

“Ang daming basher.karamihan member ng LGBTQ community tapos sila rin yung humihingi ng equality at kunyaring anti bullying advocate..only in the Philippines.”

Heart Evangelista basag sa dental hygienist dahil sa paggamit ng ‘teeth whitening pen’

Alex Diaz may takot pero laban lang: Sobrang daming lalaki sa showbiz na tago pa rin dahil…

Read more...