Alex Diaz may takot pero laban lang: Sobrang daming lalaki sa showbiz na tago pa rin dahil…
NGAYON pa lang ay inaabangan na ang two-part episode ng boys’ love (BL) series na “Fairy Tail Romance” na tampok sa “My Fantastic Pag-Ibig” na pinagbibidahan nina Alex Diaz at Yasser Marta.
Proud member ng LGBT community si Alex (bisexual) kaya marami ang na-excite sa tambalan nila ng Kapuso matinee idol na si Yasser na ka-loveteam naman ni Kyline Alcantara sa seryeng “Bilangin Ang Bituin Sa Langit.”
Sa panayam ng GMA kay Alex, ang mga BL series tulad ng “Fairy Tail Romance” ay nakatutulong at nakaka-inspire sa mga tulad niya para mas maging matapang at mas maging totoo sa kanilang sarili.
“There’s always that fear from a business standpoint na mata-typecast ako lalo na because one, I’m LGBT and sa bansa natin, it’s very conservative.
“It’s very negative and sometimes disgusting, the kind of words (people) use to label people and I think there’s that fear. Kaya sobrang daming lalaki sa showbiz na tago pa rin kasi sinasabi na tapos na ’yung career,” paliwanag ni Alex.
Nais patunayan ng aktor na ang pag-come out sa publiko bilang miyembro ng LGBT ay hindi nangangahulugan ng pagtalikod sa iyong mga pangarap.
“Instead of not working, I’m working more. I do this because I’m afraid but there’s so many people who don’t have the courage to do this.
“If they see somebody doing it and thriving, it dissolves the stereotype na hindi pwede ’to, so siguro may takot pero lalaban tayo,” aniya pa.
“We break the stereotype that you have to be like this to be famous, to pursue acting as a passion. There’s fear pero we got this,” diin pa ni Alex na umaming isang bisexual noong October, 2019.
Samantala, excited ding nagkuwento si Alex tungkol sa tambalan nila ni Yasser sa bagong episode ng “My Fantastic Pag-Ibig”, na may titulong “Fairy Tail Romance.”
Gaganap si Alex bilang si Lantis, isang sireno habang si Yasser naman ay si Nep na mai-in love sa isa’t isa na handang gawin ang lahat para ipaglaban ang kanilang pagmamahal kahit magkaiba ng mundo.
Hindi naman daw nahirapan sina Alex at Yasser sa mga pakilig moments nila sa two-part series dahil naging kumportable agad sila sa isa’t isa. Sabi nga ni Alex, mas nahirapan pa siyang lumangoy ng may buntot.
“It’s just nice to see that there are more stories and there are more people na ’di ka man LGBTQ, you’re happy and willing to tell these stories for people who are going through these things,” sey ni Alex.
“It’s nice, refreshing and exciting to see how much more we can dissolve these labels,” aniya pa.
Sabi naman ni Yasser tungkol sa tema ng kanilang serye, “Hindi hadlang ang kasarian ng bawat tao. Kahit na babae, lalaki or kung ano man siya, basta masaya kayo, ’yon naman yung mahalaga talaga.”
Dagdag naman ni Alex, “‘Wag kayong matakot na gawin yung mga bagay na magpapasaya sa inyo kasi kung kayo man ’yung first na gagawa ng mga bagay na ’yon, susunod at susunod yung mga tao na nakaka-relate sa ’yo.”
Mapapanood na ang “Fairy Tail Romance” sa “My Fantastic Pag-Ibig” simula sa March 13 sa GTV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.