Alfred Vargas super proud sa pag-graduate ng anak na si Aryana: ‘Grabe ang iyak ko!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Alfred Vargas, Yasmine Vargas at Aryana Cassandra
NAGING emosyonal ang actor-public servant na si Alfred Vargas nang masaksihan ang pagtatapos ng kanyang anak na si Aryana Cassandra.
Proud na proud ang celebrity daddy nang ibandera niya sa kanyang social media account ang pag-graduate ng anak nila ni Yasmine Espiritu-Vargas kamakailan.
Nag-share si Konsehal Alfred ng video at litrato sa kanyang Instagram page na kuha sa graduation ceremony ng kanyang anak na nakapagtapos na nga sa elementary sa OB Montessori.
Kalakip ng mga larawan nila ni Yasmine kasama si Aryana ay ang mensahe niya para sa anak, “Congratulations our sweet, beautiful, strong, talented and smart Aryana.
“We love you so much!
“Grabe ang iyak ko!
“Junior Highschool na din baby girl namin,” ang pahayag pa ng konsehal sa Quezon City.
At knows n’yo ba kung ano ang regalo nina Alfred kay Aryana sa pagtatapos nito? Trip to South Korea lang naman ang pasorpresa nila sa bagets na matagal na raw nitong pinapangarap.
Ayon kay Konsi Alfred, kahit na nga busy siya sa pag-aartista at sa pagiging konsehal ay talagang naglalaan siya ng panahon para sa kanyang pamilya, lalo na sa tatlo nilang anak ni Yasmine.
Sa isang Q&A session sa socmed, inamin ni Konsi Alfred na mas istrikto at disciplinarian siya kesa kay Yasmine. Bukod dito, masasabi rin niyang overprotective siya kay Aryana at sa isa pa niyang anak na babae na si Alexandra Milan.
“Strict ako sa kids ko. Ako ‘yung disciplinarian sa amin. And I am an overprotective dad to my two pretty daughters. Ngayon pa lang kinakabahan na ko pa-dalaga na sila,” pahayag ni Alfred.
Bukod kina Alexandra at Aryana, may ikatlo pang anak sina Alfred at Yasmine, ang nag-iisa nilang boy na si Alfredo Cristiano Vargas IV, na 5 years old na ngayon.
Samantala, kinakarir naman ng konsehal ang pagbalanse sa pagsisilbi sa bayan at pagiging aktor. Sa katunayan, na-master na niya ang time management at sanay na sanay na siya sa multi-tasking.
Nagte-taping siya para sa Kapuso series na “AraBella”, tuluy-tuloy ang mga gawain niya bilang konsehal ng 5th District ng Quezon City at siyempre, kailangang maglaan din siya ng quality time para sa kanyang pamilya.
Bukod dito, naisisingit pa niya sa kanyang schedule ang pag-aaral. Kumukuha siya ngayon ng PhD in urban planning sa UP School of Urban and Regional Planning (UPSURP).
So, ang ang kanyang sikreto sa pagiging “superhero” na parang walang kapaguran sa pagtupad sa mga tungkulin niya sa buhay? “Dapat, ‘yung mga kasamahan mo, magagaling din saka pare-parehas kayong naniniwala sa ginagawa n’yo.
“Saka, halimbawa, kung sa office, swerte ako, magagaling mga staff ko saka masisipag, so nababawasan trabaho ko. Pag-uwi ko naman ng bahay, si misis, inaasikaso na lahat,” pagbabahagi ni Cong. Alfred.
Pagdating naman sa family time, “Dapat talaga, ini-schedule mo lahat. Ako, naka-schedule ‘yung time ko, eh. Pag busy ka talagang tao, ‘yung personal time mo, dapat ini-schedule mo.”