INAMIN ng non-showbiz dyowa ni Nadine Lustre na si Christophe Bariou na minsan na niyang naranasan ang malagay sa bingit ng kamatayan.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang pagkakaroon ng cancer tatlong taon na ang nakalilipas.
Ani Christophe, ni sa hinagap ay hindi niya naisip na ibabahagi niya sa publiko ang kanyang naging karanasan sa pagkakaroon ng naturang karamdaman.
Ayaw kasi niyang makaramdam ng awa ang ibang tao sa kanya. At habang abala siya sa pakikipaglaban sa sakit ay marami naman sa kanyang paligid ang namamatay kaya pakiramdam nita ay mali ang magsabi ukol sa pinagdaraanan.
“But around 3 years ago, I was diagnosed with cancer and I was told I only had a few weeks left to live. I experienced the darkest sensation of fear, which is something I thought I had already known because it wasn’t the first time I was in a life threatening situation,” pagbabahagi ni Christophe.
“But this was different. The enemy was invisible and deep inside my own body – a body that I never doubted before, at the age of 27,” pagpapatuloy pa ng dyowa ni Nadine.
Baka Bet Mo: Nadine Lustre sa pagpapakasal kay Christophe Bariou: ‘Ay wala pa, hindi pa ready!’
Chika pa niya, inakala niya noon na hindi na niya makakasama ang kanyang kaanak at hindi na rin siya makakabuo ng sarili niyang pamilya.
“There is no shame in acknowledging I was scared but I was also angry and frustrated at life. I thought, I’ll never have kids, my own family, or finish what I started in Siargao.
I will never get my first barrel surfing. Why is this happening to me? Why me? I felt so full of life and suddenly finding out I had a couple weeks left to live was devastating… to say the least,” sey ni Christophe.
At noong mga panahon na ‘yun ay nagdesisyon na siyang manatili sa Siargao at i-enjoy ang kanyang matitirang mga araw sa napakagandang isla dahil nauubusan na rin siya ng pag-asa.
Makalipas nga ng ilang araw habang ginagawa niya ang kanyang makakaya habang tinatanggap niya ang kapalaran sa kabila ng halo-halong emosyon gaya ng takot, galit, pagkalito, at anxiety, napag-alaman niya sa kanyang doktor na maaari pa siyang gumaling.
Lahad ni Christophe, “[B] ut I had to drop everything, leave immediately, and go back to France to a specialized hospital.
“They discovered I had a very rare type of lymphoma and even mentioned it was so rare they had no statistics of survival but that they were still hopeful and my 6 month treatment started.”
Sambit pa ni Christophe, hindi lang siya suwerte dahil nakatanggap siya ng “best treatments available from the leading cancer research center in Europe”, wala rin siyang ginastos sa pagpapagamot dahil libre ito bilang isa siyang French.
Matapos ang dalawang buwan ng kanyang intense chemotherapy at immunotherapy, siya ay “in full remission” na siya.
Ibig sabihin ay nawala na ang lahat ng signs at symptoms ng cancer ni Christophe.
“Something I learned from this, going through all the terrible side effects of the chemo, is that despite everything, my life goals did not change at all. I wanted to get back on my feet as fast as possible and continue everything I started, but with more intention and even more motivation.
“When it comes to advocacies, it was a brutal reminder that life is fleeting. We do not have the luxury to wander and be mindless,” pagbabahagi ni Christophe.
At dahil nga rito ay mas naging conscious siya sa kanyang bawat ginagawa.
“The best I can do is to lessen the suffering and cruelty around me, and promote kindness and compassion towards all forms of life – human and non-human. Our lives are way too precious to be wasted. In the same breath, other lives are too sacred to be robbed from them, too,” sabi pa ni Christophe.
IG
Aniya, “I have no pretension of changing the world or saying anything revolutionary but simply hoping some readers will realize they should not wait for life to hit them hard to realize all of this. I can make mistakes, I can make bad decisions but one thing I never want to have again is regrets.
“Live and let live.”
Labis rin ang pasasalamat ni Christophe sa lahat ng mga taong sumuporta sa kanya noong mga panahong may pinagdaraanan siya.
“I can never thank enough everyone who supported me during these tough times – my partner at the time, my family and my friends.”
Related Chika:
Relasyong Nadine Lustre-Christophe Bariou Instagram official na, sweet photos pinusuan ng netizens
Rumored BF ni Nadine, aprub nga ba sa kanyang pamilya?