#MayForever…Alden muling ibinandera ang loyalty sa TVJ: ‘My support for them will go until the end of times’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Alden Richards at Vic Sotto
IMPOSIBLE na talagang mapanood si Alden Richards sa bagong “Eat Bulaga” kahit pa pilitin siya ng mga bossing ng GMA at alukin ng malaking talent fee ng TAPE, Incorporated.
Muling ipinagdiinan ng Asia’s Multimedia Star na ang loyalty niya ay mananatili sa original hosts ng longest-running noontime show sa bansa na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon – kahit ano pa raw ang mangyari.
Ayon kay Alden, habangbuhay niyang tatanawin ang utang na loob niya sa TVJ at sa “Eat Bulaga” ang mga narating niya sa mundo ng showbiz at sa kung nasaan man siya ngayon.
“To TVJ, know that kahit ano pa man ang mangyari, my loyalty, yung sarili ko is for them… regardless,” ang pahayag ng Pambansang Bae sa panayam ng News5 nitong nagdaang Lunes, June 5.
“I’m always looking back du’n sa mga taong nakatulong sa akin nang malaki.
“I think I have the right to defend that. And that’s my stand because malaki po ang utang na loob ko sa kanila, and my support for them will go until the end of times.
“Malaki po ang pasasalamat natin sa Eat Bulaga,” aniya pa.
Matatandaang noong May 31, sa ilang minutong pagla-live ng “Eat Bulaga” ay nagpaalam ang TVJ at ang iba pang Dabarkads sa TAPE Incorporated na napanood lamang sa Facebook Live at YouTube channel ng programa.
Kasunod nito, kumalat sa socmed ang resignation letter ng mga Dabarkads na naka-address kina Romeo Jalosjos Jr., President and CEO ng TAPE.
Bukod sa TVJ, nakapirma rin sa dokumento sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon at Maine Mendoza.
Last Monday, sa muling pagla-live ng “Eat Bulaga”, ipinakilala na nga sina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Alexa Miro at ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi bilang mga bagong host ng “Eat Bulaga.”