Sa katunayan, binoykot pa ito ng mga loyal viewers ng “Eat Bulaga” bilang pakikisimpatya at pagrespeto sa iconic trio na TVJ at sa iba pang Dabarkads na nag-resign sa TAPE, Incorporated, na siyang producer ng longest-running noontime show sa Pilipinas.
Grabe ang natanggap na mga hate message ng “Eat Bulaga” at ng mga bagong hosts nito, kabilang na nga riyan sina Paolo, Betong Sumaya, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Casy Legaspi at Mavy Legaspi. Binansagan pa ngang “Fake Bulaga” ang kanilang show.
Meron din namang nagtanggol sa bagong “Eat Bulaga” na nagsabing bigyan daw muna ng chance ang programa pati na ang grupo nina Paolo bago sila husgahan nang bonggang-bongga.
Sa panayam naman ng GMA sa tinatawag ngayong makabagong TVJ na sina Paolo, Betong at Buboy, sinabi ng tatlong Kapuso stars na napakalaking karangalan para sa kanila ang maging bahagi ng longest-running noontime show sa Pilipinas.
“We’re very honored, na kami ‘yung napili to continue the show. Siyempre, lilinawin lang naman natin na walang planong palitan, wala kaming chance palitan si Tito, Vic, and Joey. Wala kaming chance du’n,” ang paglilinaw ni Paolo sa interview ng “24 Oras.”
Depensa pa ng aktor, “We were just called to work to continue the show because gusto ng TAPE Office na makapagbigay ng papremyo, saya, every day.”
Nagpapasalamat naman si Betong sa napakainit na pagtanggap sa kanila ng pamunuan ng TAPE pati na sa mga taong sumugod sa APT Studio para mapanood sila nang live.
“Pagpasok mo dito, ‘yung atmosphere dito sa TAPE, talagang naramdaman mo na nandun sila para bigyan kami ng suporta,” sey ng komedyante.
Para naman kay Buboy, isang napakalaking achievement na para sa kanya ang mapili bilang host ng “Eat Bulaga” na naging parte na rin ng kanyang buhay at showbiz career.
Ilang beses nang nag-guest at nag-perform si Buboy sa noontime show kaya hindi na ito bago sa kanya, “Nagtiwala po sila sa akin at magtitiwala rin po ako sa mga naonood.”
Bukod sa mga bagong host, napanood din kahapon ang ilang new segments ng show tulad ng “Count Me In,” Ikaw ang Pinaka,” at “Watch, Copy And Post.” Wala namang “Pinoy Henyo”, “Bawal Judgmental” at “Sugod Bahay” sa muling pagla-live ng “Eat Bulaga.”