TVJ may pasabog na announcement sa June 7, hirit ni Tito Sen: ‘Baka first week ng July we would be able to air’
KUNG magkakasundu-sundo sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ang mga personalidad na kanilang kinakausap ngayon, baka raw sa first week ng July ay makabalik na sila sa telebisyon.
Ayon kay Tito Sen, may mga ka-meeting silang mga tao na maaaring makatulong sa kanila para muling makapagtrabaho at makapagbigay ng saya at inspirasyon sa sambayanang Filipino.
Hindi muna mapapanood sa TV ang iconic trio at ang iba pang Dabarkads matapos mag-resign last May 31 sa TAPE Incorporated na siyang producer ng “Eat Bulaga“, ang longest-running noontime show sa bansa.
“We have yet to decide. We agreed among ourselves that by June 7 we will be ready to announce,” ang pahayag ng dating senador sa panayam ng “The Source” sa CNN Philippines.
View this post on Instagram
Dagdag pang chika ng husband ni Helen Gamboa patungkol sa pagkawala ng TVJ sa “Eat Bulaga”, “If things work out the way we want it to, perhaps at least baka (maybe) the first week of July we would be able to air.”
Sa isang hiwalay na panayam nailabas ni Tito Sen ang kanyang saloobin hinggil sa pagre-resign nila sa programang naging bahagi na ng kanilang buhay at isa nang historical program sa Pilipinas.
“After 44 years eh medyo ang pakiramdam namin para kaming binalewala eh so ang feeling namin this time is it’s going to get better,” pahayag ni Tito Sen.
Kahapon ng tanghali, umere na uli nang live ang “Eat Bulaga” kung saan ipinakilala na ang mga bagong host nito sa pangunguna nina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Mavy at Cassy Legaspi at ang girlfriend ni Zandro Marcos na si Alexa Miro.
Kasama rin sa mga bagong host ng noontime show si Kokoy de Santos at ang Kapuso all-female group na XOXO.
At kasabay nang muling pag-ere nang live sa GMA 7 ng “Eat Bulaga”, trending naman sa social media ang salitang “boykot.”
Marami ang tumutok sa pagsisimula ng bagong version ng “Eat Bulaga” pero agad din daw silang naglipat ng channel bilang suporta sa original hosts ng programa.
View this post on Instagram
Base sa mga nabasa naming reaksyon mula sa mga netizens, hindi nila masikmura na panoorin ngayon ang “Eat Bulaga” dahil sa ginawa ng TAPE Incorporated sa TVJ at sa iba pang hosts ng noontime show.
Kaya naman matapang silang nanawagan sa lahat ng loyal fans ng “EB” na iboykot ang TAPE at ang bagong version ng programa na ipinalabas nga kaninang tanghali.
May ilan pang netizens na nagsabing hindi rin nila susuportahan ang mga bagong host ng programa at tinawag pang “Fake Bulaga” ang show.
Pero in fairness, may mga nagtanggol din naman sa TAPE pati na sa mga celebrities na ipinalit sa TVJ, kina Paolo Ballesteros, Wally Bayola, Jose Manalo at iba pa nilang co-hosts.
Meron ding mga bagong segments na ipinakilala sa programa kung saan namigay din ang grupo nina Paolo ng mga papremyo tulad ng cash at mamahaling cellphone.
Hanggang sa matapos naman ang programa ay walang ipinalabas na Bawal Judgmental, Pinoy Henyo at Juan For All, All For Juan, ang tatlong segment sa Eat Bulaga na talagang hinihintay ng mga manonood tuwing tanghalian.
Nangako pa ang grupo nina Paolo na may matindi rin silang pasabog sa darating na Sabado.
Tito Sotto inaming wala sa plano ang magpaalam sa TAPE, mga ads sa ‘Eat Bulaga’ nag-pull out na rin?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.