Lolit Solis dumepensa sa mga bashers ni Paolo Contis matapos mapiling host ng ‘Eat Bulaga’: ‘Trabaho lang, walang personalan’

Lolit Solis dumepensa sa mga bashers ni Paolo Contis matapos mapiling host ng 'Eat Bulaga': 'Trabaho lang, walang personalan'

XOXO, Cassy Legaspi, Paolo Contis, Mavy Legaspi, Betong Sumaya at Buboy Villar

IPINAGTANGGOL ng talent manager at veteran showbiz columnist na si Lolit Solis ang alaga niyang si Paolo Contis laban sa mga bashers at haters.

Ito’y matapos ngang banatan at iboykot ng mga loyal fans nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ang live episode ng “Eat Bulaga” kaninang tanghali.

Isa si Paolo sa mga Kapuso stars na napiling kapalit ng TVJ at iba pang original Dabarkads bilang mga bagong hosts ng longest-running noontime show sa bansa.


Nakasama ni Pao sa muling pagla-live ng nasabing noontime show sina Buboy Villar, Betong Sumaya, Kokoy de Santos, Alexa Miro, Mavy at Cassy Legaspi.

Sa kanyang Instagram page, nag-post si Manay Lolit ng litrato nila ni Paolo kalakip ang mensahe niya para sa mga bumabatikos sa TV host-actor.

Baka Bet Mo: Talent manager, nagbago na; nagmamaganda dahil may alagang beauty queen

Ani Manay, bata pa lang ang kanyang talent ay idol na idol na nito ang TVJ at never daw nitong inisip o inambisyon na palitan ang mga original Dabarkads.

“Trabaho lang, walang personalan. Dahil kahit kelan hindi papasok sa isip ni Paolo na magiging katapat siya sa programa ng Tito, Vic at Joey.


“Under siya ng management ng GMA Artists Center at kung anong trabaho ang ibigay sa kanya, tinatanggap niya,” pahayag ng matapang at palabang talent manager.

“A good soldier following his superior. Talagang hindi mo maiiwasan mga ganitong pangyayari.

“Kahit nga si Paolo hindi akalaing mangyayari ito pero iyon ang gusto ng management niya, at palagay ko naman hindi magiging dahilan para magkaruon ng bad blood sa mga involved,” dagdag pa niya.

Hiling pa ni Manay, “Sana nga both parties maging matagumpay,dahil liit lang mundo ng showbiz. Hindi na dapat meron pang maliliit na kaguluhan.

“Dapat lahat maayos. More work, the better. More shows mas magaling. Basta trabaho, go lang, mas bongga,” ang magandang punto pa ni Manay Lolit.

Lolit Solis super saya sa pagdalaw ni Paolo Contis: Talagang mukha siyang happy at contented!

Lolit Solis feeling lucky sa mga alagang artista: ‘Pag ayaw na sa iyo, let go

Read more...