Bb. Pilipinas Globe 2023 Anna Valencia Lakrini nahanap na ang ‘missing puzzle piece’ sa buhay | Bandera

Bb. Pilipinas Globe 2023 Anna Valencia Lakrini nahanap na ang ‘missing puzzle piece’ sa buhay

Armin P. Adina - June 05, 2023 - 11:55 AM

Bb. Pilipinas Globe 2023 Anna Valencia Lakrini

Bb. Pilipinas Globe 2023 Anna Valencia Lakrini/ARMIN P. ADINA

 

MAHIGIT isang taon pa lang ang lumipas ngunit napakarami nang nagbago para kay 2023 Binibining Pilipinas Globe Anna Valencia Lakrini. Marami rin ang naging pagbabago sa kanya. Hindi lamang siya isang reyna na ngayon, naramdaman na rin niya ang pagiging buo na wala sa buhay niya dati.

“It has been such a long journey because I grew up in Germany, always feeling like something is missing. I was discriminated for such a long time for my skin color, how I look like, and everyone was always making fun of me. And now that I’m here, finally, in the Philippines, I feel I’m home, and it’s like the missing puzzle piece is found,” sinabi ni Lakrini sa Inquirer nang makapanayam ng mga kawani ng midya ang mga nagwagi sa Bb. Pilipinas pageant sa Owner’s Circle sa Araneta City sa Quezon City dalawang araw makaraan silang makoronahan.

Ngunit hindi agad tumambad ang piraso ng puzzle sa kanya. Naging mailap ito nang una siyang umuwi sa bansa makaraang makapagtapos ng nutritional sciences sa Germany. Sumali siya sa 2022 Bb. Pilipinas pageant na isang baguhang walang alam sa kalakaran ng industriya at nangangapa pa sa sensibilidad ng mga Pilipino. “Because I was such a newbie, I tried to do everything that people were throwing at me. I tried to be a certain way. And so many people, I think, they didn’t get me, they didn’t fully understand who I was,” ibinahagi niya.

Dama ni Lakrini na hindi naunawaan ng mga tao ang asal niya, at hinusgahan na siya batay sa ipinakita niyang persona na iba sa tunay niyang pagkatao. Ngunit ikinagagalak niyang ihinayag na, “I’m more myself” ngayon, at ibinahaging hawak na siya ngayon ng Origin Model and Artist Management bilang una nilang alaga na hindi Cebuana. Nagmula rin sa pangkat ang ilan sa national pageant titleholders ng Cebu, kabilang ang mga reyna ng Bb. Pilipinas na sina Gazini Ganados at Nicole Borromeo.

Lumapit din si Lakrini sa Aces and Queens pageant camp upang hasain siya para sa pambansang patimpalak, ang pangkat na nagsanay din kay Borromeo para sa 2022 Bb. Pilipinas pageant, maging sa iba pang national titleholders na nag-uwi ng karangalan mula sa iba’t ibang pandaigdigang kumpetisyon.

Bb. Pilipinas Globe 2023 Anna Valencia Lakrini

Bb. Pilipinas Globe 2023 Anna Valencia Lakrini/ARMIN P. ADINA

“I’m really proud that with Origin I have that free spirit, and I can truly be who I am, and surely put my ideas and costumes, like the ‘alitaptap’ (firefly), and also like in my gown, and it was perfect. So, I’m really proud to be more creative and also to have the opportunity to have so many ideas and to be more myself,” ibinahagi ni Lakrini. Sinabi rin niyang nakipag-collaborate siya sa designer na si Nat Manilag para sa final competition gown niya.

“Seizing power, it is such an empowering feeling. I don’t think that everyone in this world can feel, like, oh my God, you can finally be where you are, and especially for me,” pagpapatuloy ni Lakrini, na kitang kitang naging higit na mabunga ang pagsabak sa 2023 Bb. Pilipinas kung ihahambing sa una niyang pagsali.

Sinabi ni Lakrini na nagsasanay na siya sa Aces and Queens mula noong Nobyembre pa, ngunit hindi pa niya alam noon kung saang national pageant sunod na sasali. Naghanap siya ng sign, isang bagay na makapagpapadali sa paggawa niya ng pasya. Isang tao ang naging sign niya, ang babaeng security detail ng Bb. Pilipinas pageant na tinatawag ng mga Binibini na “Ate Jen.”

“I was just heading to the gym, I went to Ali Mall and I saw Ate Jen. And it really inspired me to pursue Binibini, it was a sign. I prayed a lot, and it was my sign from God to really join Binibini again. And when I went to submit my application, I saw all the fans there waiting, and they were so happy to see me there again. And my heart just really felt this warmth and I knew it was the right decision,” ibinahagi ni Lakrini.

At lumabas na isang matalinong pasya nga iyon para sa kanya. Mula sa pagiging tampulan ng body shaming noong 2022, hinirang si Lakrini bilang “Best in Swimsuit” ngayong taon. Itinanghal din siyang “Jag Denim Queen,” na pinakaaasam umano niya, at tumanggap pa ng P100,000 mula sa BeautéDerm bilang “Miss Blanc Beauté 2023.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Lakrini ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa 2023 Miss Globe pageant, at tatangkain niyang maitala ang ikatlong panalo ng bansa sa pandaigdigang patimpalak sa ilalim ng kasalukuyang organizational setup nito. Inuwi ni Bb. Pilipinas Anne Lorraine Colis ang titulo noong 2015, na sinundan ni Maureen Montagne noong 2021. Kinoronahan si Bb. Pilipinas Maricar Balagtas bilang Miss Globe noong 2001 nang iba pa ang istruktura ng organisasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending