Promise ni Arjo kapag ikinasal na sila ni Maine: ‘She is definitely my priority, my family then Congress’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Maine Mendoza at Arjo Atayde
SINIGURO ni Congressman Arjo Atayde na si Maine Mendoza at ang magiging pamilya nila pa rin ang magiging top priority niya kapag nagsasama na sila bilang mag-asawa.
Anytime this year ay magaganap na ang kasal nina Arjo at Maine at ang pangako ng aktor at public servant ay kahit na busy siya sa pagganap sa mga tungkulin niya bilang kongresista, sisiguruhin niyang mabibigyan niya ng sapat na atensyon ang sariling pamilya.
Sa isang panayam, natanong si Arjo kung paano niya nababalanse ang kanyang oras bilang aktor, producer, public servant at pagiging boyfriend ni Maine.
“Definitely once we’re married, Maine is definitely my priority. Then family and Congress. But definitely, Maine will always be my priority,” ang sabi ng anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde.
Si Arjo ang bida at producer ng crime-thriller digital series na “Cattleya Killer” na umaani ng papuri ngayon mula sa mga manonood. Streaming na ito ngayon sa Amazon Prime Video.
Directed by Dan Villegas and written by Dodo Dayao, ang six-part series na ito ay mula sa ABS-CBN International Production ant Nathan Studios Production na pag-aari nga ng pamilya Atayde.
“It’s really time management. Congress asks for so much time as well, especially in the district. And we just really balance it. The longest time I was gone was this one (Cannes) and nu’ng nagka-COVID ako.
“All the shows and movies I’ve done were pre-campaign or I’ve done since way before pa ako nagka-position,” pahayag pa ng Asian Academy Creative Awards Best Actor sa nasabing interview.
Pahayag pa ng fiancé ni Maine, “I always work for the future of my family and not for myself, mga luho or what… I’m more focused now in building an empire for my kids, for my soon to be wife. That’s my mindset.”
Wala pang ibinibigay na detalye ang celebrity couple about their wedding pero ang chika next month na ito magaganap na dadaluhan ng mga kapamilya at malalapit na kaibigan ng future husband and wife.
Sa isang hiwalay na panayam, nabanggit din ni Arjo na kung kakayanin ni Maine, tatlong anak daw ang gusto niya pero kung ilan daw ang ipagkakaloob sa kanila ng Diyos ay maluwag sa puso nilang tatanggapin nang bonggang-bongga.