PROUD na ibinandera ng content creator at celebrity chef na si Erwan Heussaff ang kanyang bagong achievement!
Siya ang itinanghal na panalo sa “Social Media Account” category ng prestihyosong James Beard Awards na naganap sa Chicago, United States ngayong June 4.
Para sa kaalaman ng marami, ang nasabing award-giving body ay katumbas ng Oscars pagdating sa mundo ng culinary.
Sa pamamagitan ng Instagram ay masayang ibinahagi ni Erwan ang kanyang picture hawak-hawak ang medalya na natanggap.
Caption pa niya sa IG post, “I’m still shaking. We made it!! [Philippine flag emojis]”
Baka Bet Mo: Erwan may 2 bagay na palaging ipinaaalala kay Anne ngayong may anak na sila
Makikita naman sa post na maraming kapwa-celebrities at ilang personalidad ang napa-comment at nagpaabot ng “congratulatory” messages sa kanya.
Kabilang na riyan ang kanyang misis na si Anne Curtis na sinabing, “Dahlia and I are so proud of you mon amour [white heart emojis].”
Tuwang-tuwa rin ang kanyang kapatid na si Solenn, “Wooohooooo!!!! [red heart emojis].”
Ilan pa sa mga nagkomento ay sina Bea Alonzo, Iya Villania, Bianca Gonzalez, Matteo Guidicelli, at marami pang iba.
Sa acceptance speech ng content creator ay lubos niyang pinasalamatan ang lahat ng kanyang crew sa paggawa ng video contents, pati na rin siyempre ang kanyang mag-ina na sina Anne at Baby Dahlia.
Nabanggit din niya kung ano ang inspirasyon niya upang gumawa ng contents na tungkol sa likas na yaman ng mga Pinoy pagdating sa pagkain.
Kwento niya, marami kasi ang nagsasabing “next big thing” ang pagkaing Pinoy kaya nag-isip siya ng paraan upang gawin ito.
“This [award] for me means absolutely everything because it just motivates me further to keep shining a light on our beautiful country, beautiful people, and the food that is made in our kitchen,” sey ng celebrity chef.
Si Erwan ay may media company na FEATR at The Fat Kid Inside Studios na kung saan ay diyan na pino-produce ang mga content pagdating sa Filipino culture, cuisine at travel.
Ang mga natalo niya sa nasabing award ay sina Andrew Huang, Ewa Huang, at Jeromy Ko ng “Nom Life,” pati na rin ang channel na “Kalamata’s Kitchen – Of Course It’s Kid Friendly.”
Related Chika: